Press "Enter" to skip to content

Panawagan Ng DILG Sa Mga Kapitan, Isa publiko Ang Listahan Ng Mga SAP Beneficiaries

Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga kapitan sa barangay na dapat isapubliko ang mga pangalan ng benepisyaryo ng social amelioration program.

Pag sasapubliko

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat itong ipakita para mapanatili ang “honesty, transparency, at orderly management” ng financial subsidy mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Panawagan Ng DILG Sa Mga Kapitan, Isa publiko Ang Listahan Ng Mga SAP Beneficiaries 2
Source: UNTV

Samantala, maaring nila itong ipaskil ang listahan ng benepisyaryo sa barangay hall, city/municipal hall, social center, gymnasium, auditorium, transport terminal, public market, health station, hospital, at iba pa.

Mensahe ni Año

Ayon pa sa DILG Secretary,

“We want the process of identifying the target beneficiaries under the SAP to be transparent. Hence, we have directed all our punong barangays to post the masterlist of beneficiaries in strategic areas in their barangay.”

Panawagan Ng DILG Sa Mga Kapitan, Isa publiko Ang Listahan Ng Mga SAP Beneficiaries 3
Source: Inquirer

Dagdag pa niya,

“In that way the residents will also be informed if they will receive the said financial assistance from the government.

Panawagan Ng DILG Sa Mga Kapitan, Isa publiko Ang Listahan Ng Mga SAP Beneficiaries 4
Source: Inquirer

Ayon pa ni Año, importante umanong isapubliko ang listahan para malinawan at malaman ng mga tao na ang priori dad ng nasabing amelioration ay ang mga poorest families na walang anumang mapagkukunan ng pang hanapbuhay ngayong crisis.

Patas na pag bigay

Importante din aniya na isapubliko ang listahan ng target sa SAP beneficiaries dahil sa isinusulong nito na malinis at maayos na pangangasiwa sa SAP funds.

Iginiit din ng kalihim na mahalaga rin para sa mga punong barangay na gawin ang naturang hakbang para makapagbigay ang mga residente ng feedback kung sa tingin nila ay dapat silang mapasama sa listahan.

Panawagan Ng DILG Sa Mga Kapitan, Isa publiko Ang Listahan Ng Mga SAP Beneficiaries 5
Source: Inquirer

Una nang tiniyak ng DSWD na maaaring mag-request ng karagdagang funding ang mga local government units para maisama rin ang mga hindi kasama sa unang bugso ng SAP financial assistance.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: