Press "Enter" to skip to content

Panawagan Sa DILG, Maglaan Ng Budget Sa Hazard Pay Ng Mga Basurero

Umapela ang Ecowaste Coalition sa Department of Interior and Local Government (DILG) na mabigyan ng hazard pay ang mga garbage collector na patuloy na nagtatrabaho sa panahon ng pandemia.

Ang Apela

Nanawagan ang Ecowaste Coalition na mabigyan ng pahintulot ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na gamitin ang kanilang pondo para mabigyan ng hazard pay ang mga garbage collector na nagtatrabaho sa kanila.

Panawagan Sa DILG, Maglaan Ng Budget Sa Hazard Pay Ng Mga Basurero 2
Photo Credits: ABS-CBN News

Nagpadala na ng sulat ang Ecowaste Coalition kay Assistant Secretary Achilles Gerard Bravo ng Department of Budget and Management (DBM) ukol dito. At ayun sa sagot ni ASec. Bravo ay hindi kasama sa tinatawag na government personnel ang mga garbage collector na empleyado ng mga pribadong kompanya na nakakontrata sa gobyerno.

Ayun pa kay ASec Bravo, maari din namang bigyan ng kaparehong benepisyo ang mga garbage collector ng kanilang mga employer. Pero ayun sa Ecowaste ay dapat bigyan ng gobyerno ang mga garbage collector kahit ano pa man ang kanilang employment status dahil sa kanilang importanteng papel na ginagampanan sa panahon ng pandemia.

Magandang ehemplo

Pinuri naman ng Ecowaste Coalition ang lokal na pamahalaan ng Navotas dahil sa inilabas nitong ordinansa. Ito ay naglalayong mabigyan ng hazard pay ang kanilang mga empleyadong regular, casual, at contractual, kasama na ang mga contract-of-service at job order na pisikal na nagtatrabaho sa panahon ng quarantine.

Panawagan Sa DILG, Maglaan Ng Budget Sa Hazard Pay Ng Mga Basurero 3
Photo Credits: Manila Bulletin

Ayun sa Ecowaste, isang magandang halimbawa ang ginawa ng Navotas para sa iba pang LGU.

Kamakailan lang ay may inilabas na joint memorandum circular ang DILG at DBM na nagpapahintulot sa mga Local Government Units (LGU) na gamitin ang 20% ng kanilang development fund para sa pandemia. Ngunit hindi tinukoy sa memorandum ang pagbibigay ng hazard pay sa mga garbage collector.

Ang kanilang kalagayan

Ayun pa sa Ecowaste Coalition, isa rin sa mga essential worker ang mga basurero. Sila ay araw-araw na humaharap sa panganib na mahawaan ng coronavirus habang ginagawa ang kanilang trabaho.

Panawagan Sa DILG, Maglaan Ng Budget Sa Hazard Pay Ng Mga Basurero 4
Photo Credits: RMN

Kailangan ding mabigyan ng sapat na personal protective equipment ang mga garbage collector dahil sa panganib na dala ng kanilang trabaho, ito ay ayun sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na hindi naman nasusunod.

Ano sa palagay nyo? Dapat ba silang mabigyan?

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: