Press "Enter" to skip to content

OFW Na Nastranded Ipinanawagan Ng Isang Concerned Citizen

Isang concerned citizen ang nagpost sa social media na nananawagan sa gobyerno na sana ay matulungan na matest sa COVID-19 ang mga OFW na stranded sa Cavite para makauwi na sila sa kanilang pamilya.

Ang panawagan

Nanawagan ang isang OFW na sana ay matest na sila ng kanyang mga kasama sa COVID-19 at ng makauwi na sila sa kanilang pamilya. Ang mga nasabing OFW ay nagtatrabaho sa barko at kasalukuyang stranded sa Cavite.

OFW Na Nastranded Ipinanawagan Ng Isang Concerned Citizen 2
Photo Credits: Facebook

Marami na daw silang natawagang mga ahensya ng gobyerno pero parang hindi sila pinapansin. Nanawagan na rin ang kanyang pinsan sa lokal na pamahalaan ng Cavite na nakakasakop sa kanilang tinutulayan na sana ay matulungan sila.

Ang kalagayan

Ayun sa post ay siksikan sila sa isang bahay sa isang subdivision sa Cavite at sa sahig lng sila natutulog. Makikita sa mga larawan sa post na siksikan sila sa sahig katabi ang kanilang mga bagahe. Halos isang buwan na raw sila sa kanilang tinutuloyan at nag-aalala na ang kanilang mga pamilya. Tatlo sa kanila ay taga Iloilo.

OFW Na Nastranded Ipinanawagan Ng Isang Concerned Citizen 3
Photo Credits: Facebook

Tinanong din ng kanyang pinsan ang nasabing OFW kung bakit hindi sila inasikaso ng gobyerno katulad ng ginawa nito sa ibang seafarers na umuwi sa bansa. Matatandaan sa balita na may mga OFW, partikular na ang mga seafarers na sinundo ng ahensya ng gobyerno at dinala sa isang quarantine facility at binigyan pa ng ayuda na P10,000.

Bayani raw

Hinaing pa nila, noon raw ay itinuturing silang bayani ng bayan bakit ngayon raw ay nakakaranas sila ng diskriminasyon. Hindi raw ibig sabihin na galing sila sa labas ng bansa ay may dala na silang sakit na COVID-19.

OFW Na Nastranded Ipinanawagan Ng Isang Concerned Citizen 4
Photo Credits: Facebook

Parang ayaw na raw silang tanggapin sa kanilang sariling bayan. Hindi naman daw sila ang dahilan tumataas ang kaso ng COIVD-19 sa bansa kundi ang katigasan ng ulo ng mga tao. Huwag naman daw silang idamay na sila ang may dala ng virus sa bansa.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: