Press "Enter" to skip to content

‘Pandemic Left The Group’ Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City!

Isang larawan ang viral ngayon na kung saan ay makikita ang malaking volume ng mga nag-aabang ng 11:11 sale sa isang shoe store sa Cebu City.

Viral photo

Sa isang submitted photo sa Facebook page ng The Freeman, kinastigo ng maraming netizens ang larawan ng kasalukuyang lagay ng dami ng tao sa isang shoe store sa Samson Road, Barangay Lahug Cebu City.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 2

Dahil ito umano sa kaabang-abang na 11:11 sale. Sa kabila ng pinagdaraanang pandemic sa bansa, tila hindi naging kaaya-aya para sa marami ang pagtipon ng maraming mamimili sa isang partikular na shoe store. Sa larawan ay makikita naman ang mga tao na nakasuot ng facemask at faceshield.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 3

Pinagkaguluhan

Sa tarpaulin ng shoe store ay makikita ang kaakit-akit na ad nito na kung saan ay maaaring makabili ng dalawang sapatos sa halagang 998 pesos lamang. Maraming netizens naman ang nagbigay ng komento ukol sa mahabang pila ng mga kostumer na makabili sa nasabing store.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 4

Ayon sa isang netizen ay dapat mapenalize ang store dahil sa naging resulta ng kanilang sale promo. Aniya ang mga may-ari, mga staff, at lahat ng tao na nasa area para mamili ay dapat na mabigyan ng karampatang parusa. Sinegundahan naman ito ng iba pang netizens.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 5

Ipinasara

Sa mga oras na ito ay kasalukuyan nang pinasara ang shoe store dahil hindi aniya sumunod sa health and safety protocols ayon sa Department of Trade and Industry. May mga kapulisan at barangay officials na rin sa nasabing lugar upang macontain ang sitwasyon.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 6

Hindi magandang ideya

Ayon pa sa mga netizen, hindi magandang ideya sa panahon na ito ang mga sale promo sa mga physical store. Aniya ay sana sa online purchasing nalang nila isinagawa ang sale upang hindi na kailangan lumabas ng mga tao para mamili. Hirit pa ng mga ito, maaaring magkahawa at muling kumalat anh virus dahil sa nangyari.

'Pandemic Left The Group' Mga Mamimili, Naglipana Sa Isang Shoe Store Sa Cebu City! 7

Pandemic

Noong mga nakaraang buwan, isa ang Cebu City sa mga nagtala ng mataas na bilang ng may coronavirus. Sa panahon ngayon, dapat ay mas maging disiplinado at responsable ang lahat sa tuwing lalabas ng bahay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Source: Philstar Global

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: