Press "Enter" to skip to content

Pangarap Ni Idol Raffy Sakaling Maging Bilyonaryo, Kinabiliban Ng Netizens!

Ibinahagi ni Raffy Tulfo ang kanyang pangarap sakaling maging bilyonaryo na ito. Kasabay ito ng pahayag nito ukol sa isyung kumikita sya ng dalawang bilyong piso sa Youtube sa loob ng isang taon, ayon sa isang entertainment website. Pinabulaanan nito ang inilabas na article ukol sa kanya, at wala aniya itong katotohanan.

Pangarap ni Idol

Ayon kay Idol Raffy, malalaman ng nakararami na sya ay isa nang bilyonaryo kapag nagawa na nito ang kanyang matagal nang pangarap. Ang pangarap nito na makapagpatayo ng palengke at eskwelahan. Idinetalye pa ni Idol Raffy na sa ipapatayong palengke ay mga mahihirap at walang trabaho ang kanyang tutulungan na magkanegosyo.

Pangarap Ni Idol Raffy Sakaling Maging Bilyonaryo, Kinabiliban Ng Netizens! 2

Libre pa ang puhunan! Sa kabilang banda ng palengke ay pangarap nito na makapagpatayo ng eskwelahan na kung saan ay target na mapag-aral ang mga bata na hikahos sa buhay.

Eskwelahan

Layon ni Raffy na magpatayo ng paaralan para sa elementarya at high school. Masayang pagbabahagi nito, ang pagpapasweldo sa mga guro na magiging bahagi ng kanyang pangarap na eskwelahan ay manggagaling sa magiging kita ng palengke.

Pangarap Ni Idol Raffy Sakaling Maging Bilyonaryo, Kinabiliban Ng Netizens! 3

Ang mga tutulungan nila na magkanegosyo at magkapwesto sa palengke ay magbibigay ng renta sa stall na syang magiging pasahod sa mga guro. Hangad ng batikang brodkaster na makapagpaaral ng mga kabataan na mula sa mahihirap na pamilya.

Hirit ni Idol Raffy,

“Sana po maging bilyonaryo na talaga ako”

Ito ay upang maisagawa nito ang matagal nang pangarap.

Scholarship

Hangad din ni Raffy na maging American school style ang maipapatayong eskwelahan na kung saan ay libre ang agahan, tanghalian, at meryenda ng mga mag-aaral. Libre din ang pag-aaral at pangarap nito na makapagbigay ng scholarship sa mga deserving na estudyante.

Kinabiliban

Kinabiliban ng mga netizens ang pangarap ni Idol Raffy na syang hindi din nalalayo sa pagtulong sa kapwa. Hangad ng marami ay ulanin pa ito ng maraming blessings para maisakatuparan nito ang kanyang matagal nang pangarap. Sa kasalukuyan ay mayroong higit 15-M subscribers ang Raffy Tulfo In Action sa Youtube.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: