Press "Enter" to skip to content

Pangmamaltrato Sa Isang Bata, Kinuhanan Pa Ng Video Ng Mismong Nanakit!

Viral ngayon sa social media ang pambubugbog ng isang babae sa isang bata. Hindi pa man nakikilala ang nanakit sa musmos, hinaing ng netizens, dapat nang managot at ipakulong agad ang nasabing babae sa video.

Kaawa-awang sinapit

Sampal, suntok, at palo ang sinapit ng isang bata sa viral na video ngayon mula sa isang babae na mismong nagvivideo ng kanyang pananakit. Hindi man tukoy kung ang nasabing babae sa video ay ang mismong ina ng bata, labag parin ito alinsunod sa batas.

Pangmamaltrato Sa Isang Bata, Kinuhanan Pa Ng Video Ng Mismong Nanakit! 2
Photo Credits: GMA Public Affairs

At bukod sa pamamalo nito, masasakit din na salita ang binitawan ng babae sa isang musmos na bata na tanging iyak lamang ang kayang gawin sa mga panahong iyon.

Ang video ng pananakit

Ani ng isang netizen, ang orihinal na post mula sa isang Facebook group ay nabura na, kung kaya’t hindi na natukoy kung sino talaga ang nagupload ng nasabing video.

Gayunpaman, may ilang mga netizen ang nakapag-save ng video at muling inupload sa Facebook. Dahil dito, kumalat ang video at umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens.

Dapat managot

Ang nasabing viral video ay talaga namang hindi pinalagpas ng mga netizen at iba’t ibang reaksiyon ang namutawi sa kanila.

Pangmamaltrato Sa Isang Bata, Kinuhanan Pa Ng Video Ng Mismong Nanakit! 5

May ilan ding nagsabi na dapat ipakulong na agad ang babae sa video dahil baka maulit pa muli ang pambubugbog nito sa bata. Anuman ang dahilan ng babae sa video, hindi pa rin tama na saktan ang bata dahil maari itong magdulot ng trauma at ibang pag-uugali.

Sa ngayon, hindi pa rin tukoy ang babae at ang naka-aawang bata sa nasabing video. Patuloy lang na tumutok sa Pinas Balita para sa mga karagdagang impormasyon.

Narito ang nasabing video ng pananakit sa bata:

Source: Patchin TV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: