Itinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang isang anti-flu drug na pinaniniwalaang epektibo laban sa COVID-19 mula sa Japan. Ito ay sinabi ng isang opisyal ng Gabinete noong Miyerkules.
Ang pakikipagtalakyan
Nakipagtalakayan ang Pangulo sa Punong Ministro ng Japan patungkol sa gamot na ito na pinaniniwalaang mabisang gamot laban sa Covid-19. Ito ay sinabi ng Kalihim ng Gabinete na si Karlo Nograles sa isang virtual press briefing.

Ipinahayag ni Duterte ang kahandaan at pagka interesado ng Pilipinas na lumahok sa mga clinical trial para sa anti-flu drug na Avigan. Ang pagpapahayag na ito ay naganap nitong Martes sa virtual ASEAN Plus Three Summit sa patungkol sa COVID-19.
Ayon kay Nograles, na lumahok din sa virtual summit. Nabanggit din ni Abe na mayroong higit sa 50 pang mga bansa ang interesadong mag-aral ng Avigan.
Ang Avigan at Chloroquine
Ang Avigan ay ang tatak na pangalan para sa anti-flu drug Favipiravir. Ito ay kabilang sa mga gamot na nasubok sa buong mundo bilang isang paggamot para sa COVID-19.

Ang isa pang gamot na nagpakita na epektibo ay chloroquine. Ang gamot na ito ay ginawa upang malunasan ang malaria.
Patas at madaling access
Ayon pa kay Nograles, nagbigay ng espesyal na pagbanggit si Punong Ministro Abe kay Pangulong Duterte hinggil sa pag-aaral na ito. Sinabi rin ni Duterte noong summit sa kanyang mga kapwa pinuno sa Timog-Silangang Asya, at ang mga Tsina, Japan at, Timog Korea ang kanilang mga tungkulin.

Ito ay tiyaking ang lahat ng mga bansa ay dapat bigyan ng patas at madaling pag-access sa mga potensyal na paggamot at bakuna na coronavirus.
Sa kasalukuyan
Sa buong mundo, ang COVID-19 ay pumatay ng higit sa 100,000 mga tao at higit sa 1.8 milyong iba pa ang nahawahan nito. Ito ay ayon sa World Health Organization.

Samantala, sa Timog Silangang Asya naman, ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga nakumpirma na may COVID-19 cases.
Source: Facebook
Be First to Comment