Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Ibinalik Ang NCR At Karatig Na Mga Lugar Sa MECQ

Manila, Philippines – Ibinalik ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila kabilang na ang mga lugar na may matatas na kaso ng COVID-19 simula Agosto 4, 2020 hanggang Agosto 18, 2020.

Pagbalik sa MECQ ng apektadong lugar

Sa kaniyang briefing nitong Linggo, sinabi nito na ang National Capital Region (NCR), Bulacan at Region IV-A ay isasailalim muli sa Modified Enhances Community Quarantine (MECQ).

Pangulong Duterte, Ibinalik Ang NCR At Karatig Na Mga Lugar Sa MECQ 2

Ang naging desisyon ng Pangulo ay nirekomenda ng Cabinete na pinangungunahan ni Health Secretary Francisco Duque III.

Proposal ng frontliners

Hinggil naman sa proposal na taasan ang allowance at benipisyo ng mga medical workers, sinabi ni Pangulong Duterte na pag aaralan muna ng gobyerno ito at kaniyang irerekomenda sa pending Bayanihan 2 legislation.

Pangulong Duterte, Ibinalik Ang NCR At Karatig Na Mga Lugar Sa MECQ 3

Ito ay matapos na makatanggap ang Pangulo ng sulat mula sa panawagan ng mga frontliners na ibalik ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng dalawang linggo para sila ay makapag pahinga at makaisip ng bagong stratehiya. Ito ay matapos din ang sunod sunod na bilang ng pag lobo ng kaso ng mga biktima ng COVID-19 sa NCR.

Samantala, ayon sa Manila Archdiocesan para makaiwas na rin sa pag dami ngg kaso ng mga biktima at makatulong na din sa mga frontliners, ay ipapagliban na muna ang animumang religious activities sa loob ng dalawang linggo.Ayon naman kqy Chief Justice Diosdado Peralta, ang Korte Suprema ay pansalamantala munang isasara simula Agosto 3 hanggang Agosto 14.

Pagbalik MECQ

Matatandaan na isinailalim ang Metro Manila sa General Community Quarantine noong Hunyo 1 kahit na may naitalang pag taas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa ibat-ibang parte ng bansa.

Dahil sa ipinatupad na GCQ sa Metro Manila mas maraming establisimyento ang nag bukas kabilang na dito ang mga pampublikong transportasyon. Ito ay naging dahilan sa lalong pag-angat ng bilang ng kaso sa Pilipinas.

Samantala, umabot naman sa 103,185 ang total na bilang ng bagong kaso ng mga biktima ng pandemya sa bansa.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: