Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Nag-appoint Ng Bagong DOH Undersecretary! Bye Duque Na Nga Ba?

Nag-appoint ng bagong Department of Health Undersecretary for special concerns ang Pangulong Duterte. Ito ay bunsod ng pagkadismaya nito dahil sa balitang mabagal ang pagtugon ng DOH ukol sa pagdistribute ng benefits ng mga health workers.

Reliable person

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nais ng Pangulo na magkaroon ng tinatawag na ‘reliable person’ sa loob ng ahensya ng DOH. In-appoint ng pangulo si Dr. Leopoldo Vega, ang chief ng Southern Philippines Medical Center bilang undersecretary ng DOH.

Pangulong Duterte, Nag-appoint Ng Bagong DOH Undersecretary! Bye Duque Na Nga Ba? 2

Ang pagtalaga kay Vega ay resulta ng pag-call out ng mga grupo at mga mambabatas sa pagpapaalis sa pwesto kay DOH Sec. Francisco Duque III. Hinaing ng mga ito, hindi nagampanan ni Duque ang crucial role nito sa gitna ng pandemic.

Kapalit

Nang tanungin naman ng press kung si Dr. Vega na nga ba ang ipapalit kay Duque bilang Health secretary, ito ang naging tugon ng presidential spokesperson.

“Hindi ko alam kung kapalit siya ni Secretary pero ang konteksto ng pag-appoint when I was in Davao, the President was very unhappy with the delay. Hindi po talaga natuwa ang Presidente sa delay ng pagbigay ng mga frontliners na namatay at nagkasakit.”

Dahil sa pagkadismaya ng pangulo sa kasalukuyang estado ng DOH, naisip ng pangulo na kailangan ay may tumayong isang tao na maaasahan sa ahensya,

“Sabi niya kinakailangan magkaroon ng isang maasahan tao dyan sa DOH.”

Panibagong hamon

Puring-puri ng pangulo si Dr. Vega nang pangunahan nito ang modernization ng Southern Philippines Medical Center. Sa kabilang banda, ipinangako naman ni Vega ang maayos na koordinasyon sa gobyerno ukol sa covid response. Aniya ay dapat na maibigay ng DOH ang serbisyo at pangangailangang medikal ng komunidad.

Nagpasalamat naman si Vega sa tiwala ng pangulo sa kanya na magagampanan nito ang hamon rito.

“I’m very humbled and honored for the trust and confidence na ibinigay sa akin ni President … Pangulong Rodrigo Duterte. And I’m taking the challenge for this kind of new field of work in my capacity.”

Nananatili

Sa ngayon ay wala pang kompirmasyon mula sa pangulo kung tatanggalin nga ba o mananatili sa kanyang pwesto si Duque. Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang mga kontrobersiya sa ahensya mula sa mga overpriced na medical equipment hanggang sa pagdelay ng distribution ng benefits ng mga health workers magmula nang maipatupad ang Bayanihan Heal As One Act magmula noong Marso.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: