Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte Nais Mabigyan Ang 23Milyon Na Pamilya Sa 2nd Tranche Ng Pagbibigay Ayuda

Ayon kay Pangulong Duterte nais niya na mabigyan ng tulong-pinansyal sa 2nd tranche na ayuda ang 23 milyong pamilya na nasa low-income dito sa Pilipinas. Ito ang mga hindi nabigyan noong unang pamamahagi ng cash aid.

2nd Tranche

Ipinahayag ng Pangulong Duterte na gusto niyang maibigay sa halos 23 milyong pamilya ang 2nd tranche ng pamimigay ng cash aid mula sa gobyerno. Ito ay ang mga pamilyang hindi nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa gobyerno noong unang pamimigay ng ayuda.

Pangulong Duterte Nais Mabigyan Ang 23Milyon Na Pamilya Sa 2nd Tranche Ng Pagbibigay Ayuda 2
Photo Credit: INQUIRER.net

Sinabi din ng Pangulo na makakatanggap ang bawat pamilya, nasa ilalim man ang lugar nila sa Enhance Community Quarantine (ECQ) o sa General Community Quaratine (GCQ).

Hiniling din niya sa Kongreso na tutukan at gumawa ng paraan para maibigay sa bawat pamilya ang ayuda.

Pagbebenta ng mga assets

Nabanggit din niya ang maaaring pagbebenta ng mga ari-arian ng Pilipinas, para lang matustusan ang problemang pinansiyal na hinaharap ng ating bansa ngayon. Hindi na niya natukoy kung anong mga assets ang kanyang maaaring ibenta.

Dagdag pa ng Pangulo, ibebenta niya ang mga assets ng gobyerno na hindi na napapakinabangan. Dahil ang pinagbentahan nito ay malaking tulong na rin ito sa libo-libong pamilya na nangangailangan.

Sana mabigyan lahat

Kailangan sa pangalawang pagkakataon na pamimigay ng ayuda ay mabigyan na lahat ang dapat mabigyan. Dapat wala ng pahirapan sa pagpila, wala ng mahabang pila. Wala na rim dapat ‘yung inaatake dahil sa nadismaya kasi natanggal ang pangalan sa listahan ng mga tatanggap.

Pangulong Duterte Nais Mabigyan Ang 23Milyon Na Pamilya Sa 2nd Tranche Ng Pagbibigay Ayuda 3
Photo Credit: INQUIRER.net

Higit sa lahat wala na dapat ‘yung pangungurakot ng mga ibang opisyal. Isipin niyo na lang na marami pa ang mas nangangailangan ng tulong na ‘yan. Marami pang maliligtas na pamilya ang pera na nasa inyong mga bulsa.

Source: INQUIRER.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: