Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Nangakong Papasanin Ang Hospital Bills Ng Mga Covid-19 Patients

Sa televised address kagabi ng Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan nito ang mga lokal government units na tutukan ang pagpapagamot ng mga covid-19 patients sa kanilang nasasakupan. Pangako pa ng pangulo, ang gobyerno ang syang magbabayad para sa mga gagastusin pagpapaospital ng mga ito.

Papasanin ang gastos

Utos ng pangulo sa mga lokal na gobyerno, tulungan at huwag pabayaan ang mga covid patients. Ukol naman sa hospitalization bills ng mga pasyente na may covid, may sagit din dyan ang pangulo.

Pangulong Duterte, Nangakong Papasanin Ang Hospital Bills Ng Mga Covid-19 Patients 2

“This is really an order of the national government to the local governments: Help, do not deny, and you must expedite the hospitalization until he is cured. No problem about payment, I will pay. Just bill me, and I will pay,”

Hindi dapat gumastos

Ang utos ng pangulo ay nakahihigit para sa mga ordinaryong mamayang Pilipino. Aniya ay hindi dapat gumastos ang mga simpleng mamamayan sakaling tamaan ito ng virus,

“As much as possible, the ordinary citizen, the Filipino, does not have to spend money. If he is sick, he can seek hospitalization and charge everything to government,”

Sa kasalukuyan, ang Philippine Health Insurance Corporation ang sumasagot sa covid-19 tests para sa mga Pilipino. Mayroon itong package na nagre-range sa P2,710, P5,450, at P8,150.

Kulang sa koordinasyon

Ang utos na ito ng pangulo ay bunsod ng kamakailang komenti ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ukol sa diumano ay kakulangan sa koordinasyon patungkol sa pag-uwi ng mga OFW sa kani-kaniyang mga probinsya.

Covid-free

Nagpahayag ng pagkadismaya si Gomez ukol sa mga diumano “untested OFWs” na umuwi sa Ormoc na syang covid-free na sa loob ng 70 araw. Ayon sa pangulo, hindi naman nito masisisi ang Ormoc mayor dahil aminado ito na may “constitutional issues” na kaugnay sa reklamo. Pahayag ng pangulo,

“There are also constitutional issues that are involved and those are sacred ones, and for those who are not really pronounced to be infected, positive, there’s no reason why he should not accept them, especially those who are returning to their home from doing work abroad, kawawa naman kasi, so ‘yung constitutional right, there’s no reason why we should not accept them with open arms,”

Hirit pa ng pangulo, ang mga lokal na gobyerno ay dapat na maging matulungin. Aniya,

” help anyone”

Walang problema

Muling giit ng pangulo, sya ang magbabayad ng hospitalization bills ng mga Pilipino na walang kakayahan na makabayad.

“[I] will pay for the expenses. Walang problema ‘yan. You just sign a whatever document there, I will pay for the hospitalization of any FIlipino who finds himself in a strange place and he has nowhere to go,”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: