Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Nangakong Popondohan Ang ‘Blended Learning’ Program Ng DepEd

Pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang blended learning strategy na isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon sa gitna ng pandemic. Naniniwala ang pangulong Duterte na hindi dapat matigil ang pag-aaral ng mga mag-aaral nang dahil lamang sa covid-19.

Blended learning

Sa isa sa mga public address ng presidente, nagpahayag ito ng suporta sa proposal ni Department of Education Secretary Leonor Briones ukol sa magiging bagong sistema ng edukasyon sa ilalim ng “new normal.”

Pangulong Duterte, Nangakong Popondohan Ang 'Blended Learning' Program Ng DepEd 2
Photo Source: Presidential Communications

Tinatalakay sa proposal ni Briones ay ang alternatibong paggamit ng telebisyon, radyo, at internet bilang medium of learning ng mga kabataan habang suspendido ang face-to-face classes.

Napabilib

Na-impress ang pangulo sa pagiging diumano simple at feasible ng proposed program ni Briones.

“I’m impressed with the simplicity of the program, ma’am. And I believe that all that you have said is really feasible,”

Kaya naman ay nagpabatid ito ng suporta sa DepEd secretary.

“I believe we have a very workable program and I support you,”

Go signal

Nagbigay ng ‘go signal’ ang pangulo kay Briones na lumapit sa iba pang ahensya ng gobyerno o sa kanya mismo sakaling kailanganin nito ng dagdag na pondo para sa programa. Ito ay sa kabila ng pagkagipit ngayon ng pamahalaan dulot ng higit dalawang buwan na laban nito sa pandemic.

“Should you require any help from any of the departments, feel free to communicate to them. If it’s a question of funding, I will — sought to speak, scrape the bottom — the bottom of the barrel,”

Dagdag pa ng pangulo,

“Well, eh kung wala na tayong pera — ilagay na lang sa edukasyon sa mga bata. We will have to forgo many things along the way because of what happened,”

Kahalagahan ng edukasyon

Naniniwala ang pangulo sa kahalagahan ng edukasyon ng mga kabataan. Aniya, ang kinabukasan ng bansa ay nakadepende sa kung paano na-educate ang mga kabataan ngayon.

“But education, I think, if it — if it is compromised, it should be negligible so that it should go on because the future of this country depends on the — how we educate our young people nowadays,”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: