Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Nanlambot at Lubos Na Ikinalungkot Ang ‘Sulu Misencounter’

Lubos na ikinalungkot ng Pangulong Rodrigo Duterte nang mabalitaan nito ang ‘Sulu misencounter.’ Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nanlambot umano ang pangulo nang makarating rito ang balita.

Sulu misencounter

Nangyari ang insidente sa Jolo, Sulu na kung saan ay nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng militar at ilang pulis. Apat na miyembro ng militar ang pumanaw sa nangyaring engkwentro, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pangulong Duterte, Nanlambot at Lubos Na Ikinalungkot Ang 'Sulu Misencounter' 2

Sa isang interview ng GMA News kay Roque, sinabi nito na inatasan ng pangulo ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng mabilis na pag-iimbestiga sa nangyaring insidente. Inatasan si Philippine Army Lieutenant General Gilbert Gapay na pamunuan ang nasabing imbestigasyon na syang inilarawan ng pangulo bilang “mUrd3r.”

Pahayag ni Roque sa reaksyon ng pangulo,

“Nalulungkot siya sa nangyari sa Sulu at inorderan niya ang NBI na pabilisin ang imbestigasyon,”

Dagdag pa riyan,

“Lungkot na lungkot siya at ang ginamit niyang salita ay siya ay nanlambot, extremely sad.”

Dayalogo

Ipinaalam ng Pangulo kay Department of Interior and Local Government Eduardo Ano na syang may sakop ukol sa ‘police force’ na nais nitong makausap ang mga pulis na sangkot sa engkwentro.

Pangulong Duterte, Nanlambot at Lubos Na Ikinalungkot Ang 'Sulu Misencounter' 3

“Hiniling ni Pangulo kay Secretary Año na gusto niyang makausap yung siyam na pulis na diumano ay nagpaputok dun sa apat na Army personnel kasama ang isang major,”

Moral support

Liban pa riyan, nais ng pangulo na muling dumalaw sa Sulu upang bisitahin ang mga sundalo doon. Maraming beses nang bumisita ang pangulo sa Sulu upang magbigay ng suportang moral sa mga sundalo roon.

Pangulong Duterte, Nanlambot at Lubos Na Ikinalungkot Ang 'Sulu Misencounter' 4

“Gusto niya pumunta doon mismo sa lugar kung saan nangyari [yung misencounter] kung pupuwede dahil gusto niyang ma-lift ang morale ng kasundaluhan dahil talagang mababa ang morale ng ating mga kasundaluhan,”

Hiling ng pangulo

Hangad din ng pangulo na hindi na masundan pa ang Sulu misencounter sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Hindi raw dapat nagpapatayan ang may parehong ideolohiya at sinabi niyang sana ito na ang huling misencounter sa kaniyang termino,”

Spot report

Ayon sa spot report, nagsimula ang insidente nang komprontahin ng mga pulis ang ilang nakitang armadong lalaki sa Sitio Marina. Nagpakilala ang mga armadong lalaki bilang military personnel at dinala sila sa istasyon ng pulis para sa identification. Ayon pa sa report, pagdating sa istasyon ay nagtangkang tumakas ang mga sundalo, na syang nagbunsod ng palitan ng putok sa gitna ng dalawang grupo.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: