Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Pinirmahan Na Ang Batas Na Layon Ibalik Ang GMRC Sa K12 Program

Kahapon ay pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mandato na ibalik at isama ang GMRC sa K12 curriculum. Ayon ito kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

GMRC

Si Zubiri ang principal author ng Republic Act 11476. Nagpapasalamat si Zubiri sa pag-apruba ng pangulo sa batas na ito dahil napapanahon aniya ito.

Pangulong Duterte, Pinirmahan Na Ang Batas Na Layon Ibalik Ang GMRC Sa K12 Program 2

Naglabas ang Malakanyang ng kopya ng batas kasunod ng pag-anunsyo rito ni Senator Zubiri. Pahayag pa nito, hangad nito na makagawa ng implementing rules and regulations ang Department of Education ukol rito bago magbukas ang klase sa Agosto.

Pangulong Duterte, Pinirmahan Na Ang Batas Na Layon Ibalik Ang GMRC Sa K12 Program 3

“I hope the Department of Education can work on the IRR in time for the opening of classes come August,”

Malaking tulong

Ayon pa sa senador, mahalaga na ibalik ang GMRC sa kurikulum lalo na ngayon na halos lahat ng eskwelahan ay maga-adapt sa distance learning.

“With many schools set on implementing distance learning, it’s going to be even more vital that we give our students formative guidance through GMRC and Values Education,”

Umaasa si Zubiri na ang maraming kabataan ay mamulat at matuto ng mahahalagang values sa kabila ng kawalan ng physical interaction ng mga kabataan sa kanilang mga kaklase at guro bunsod ng pandemic. Aniya pa, sa mabilis na progreso ng teknolohiya ay importante na mahubog ang moralidad ng mga kabataan.

“When we drafted this law, we thought it would be important to bring back GMRC because it would arm our kids with stronger moral codes that they would need in order to navigate this increasingly technological world,” he said.

Pagtanggal sa kurikulum

Nang ipatupad ang K12 program noong 2013, natanggal ang GMRC bilang regular subject. Pinalitan ito ng ESP o Edukasyon sa Pagpapakatao na kung saan ay tinatalakay ito sa klase sa loob ng 30 minuto sa primary level at dalawang beses sa bawat linggo sa sekondarya.

RA 11476

Sa ilalim ng RA 11476, ituturo ito magmula preschool hanggang grade 6. Nakasaad sa batas na ito,

“The Department of Education shall introduce GMRC through clear, distinct, specific, and concrete character building activities, such as role playing in the classroom, community immersion activities, teacher-parent collaborative learning activities, school-initiated values formation activities, simulated activities, and other forms of experiential learning,”

Layon din ng batas na ito na magfocus sa basic principles tulad ng pagmamahal sa sarili, bayan, respeto, disiplina, sinseridad, katapatan, at iba pa.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: