Press "Enter" to skip to content

Pangulong Duterte, Uutusan Ang Driver Na Sampalin Si Trillanes

Abril 24 – Sa gitna ng krisis bunga ng COVID-19, hindi pa rin naaawat si Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Antonio Trillanes IV sa kanilang “word war”. Ngayon naman, sinabi ni Pangulong Duterte na uutusan niya ang kanyang driver na sampalin si Trillanes.

Budget

Kanina umaga sa kanyang public address, binanggit ng pangulo ang pagbabago sa national budget. Ito ay matapos ihayag ni Finance Secretary Sonny Dominguez na P352.7 billion na ang nagagastos ng pamahalaan para sa pagsugpo ng COVID-19.

Pangulong Duterte, Uutusan Ang Driver Na Sampalin Si Trillanes 2

Sabi ni Dominguez, “Yan po ang ano ang problema natin ngayon. May cash ho tayo pero may — wala ho tayong authority gumastos ng ganun kalaki,”

Hangin lamang ang trillion

Dahil dito, naungkat ng pangulo ang sinabi ni Trillanes sa kanyang twitter account bilang “parinig” sa kanya. Matatandaan na kinuwestiyon ng pangulo kung ano na nga ba ang naiambag ni Trillanes para sa bansa maliban sa walang sawang pagsasalita at paninita. Noong Marso 16, nag post si Trillanes sa twitter hinggil sa kanyang sagot sa pagsita sa kanya ni Pangulong Duterte.

Ayon sa kanyang tweet, “ Four trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Batukan kaya kita,”.

Pangulong Duterte, Uutusan Ang Driver Na Sampalin Si Trillanes 3

Sagot ng pangulo, hangin ang P4 trillion na sinasabi ni Trillanes. Wala umano alam ang senador sa tunay na lagay ng budget ng bansa.

“Yang sinasabi ni isa pa itong walang alam na ugok itong si Trillanes. Nagsasalita ng trillion trillion, trillion ng hangin. Trillion of cubic meters of air in your head and it is too tight that is why para kang buang na nagsasalita ka ng trillon,”.

Sampalin si Trillanes

Sa inis ng pangulo, sinabi niya na uutusan niya ng personal ang kanyang driver na sampalin si Trillanes. Ito ay dahil puro porma at ka hambugan lamang umano ito.

“Puro porma, puro hambog, puro hamon at batukan mo raw ako? Sabihin ko sa driver ko sampalin ka. Ang driver ko na ang utusan ko. Ang tingin ko sa iyo, ka-level mo driver,” 

Pangulong Duterte, Uutusan Ang Driver Na Sampalin Si Trillanes 4

Sa kasalukuyan, wala pang sagot ang kampo ni Trillanes sa sinabi ng pagulo. Ngunit kung pagbabasehan ang walang katapusan nilang “word war”, tiyak na hindi ito basta mananahimik sa sinabi ng pangulo.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: