Press "Enter" to skip to content

Panibagong Lockdown Rules Idedeklara Ng Pangulo Sa Darating Na Hunyo 15! -Harry Roque

Panibagong lockdown rules ang nakahandang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na ika-15 ng Hunyo at sa pasyang ito ay nakasalalay ang kapalaran ng quarantine ng komunidad na ipinataw sa bansa.

Ang naunang pahayag

June, 12- Ang Pangulo ay nauna ng nagpahayag sa publiko na ito ay makikipagkita sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa isang pagpupulong upang malaman ang magiging rekomendasyon ng mga ito tungkol sa mga susunod na hakbang ng pamahalaan sa pagkontrol ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ang Pahayag- Lockdown
Photo Credit: Cnn

Ang IATF ay mayroon ng rekomendasyon noong Miyerkules ngunit tumanggi ang tagapagsalita na si Roque na i-discuss kung ano ang kanilang ipepresinta sa Pangulo.

Ang option sa rekomendasyon

Ang tanging pagpipilian ay kung magiging Modified GCQ, GCQ, o binagong ECQ. Hindi masyadong bago o magkaiba ang pagkakaiba-iba ng mga klasipikasyon na maaring puntahan ng Metro Manila at Cebu City. Sa ngayon ang focus rekomendasyon ay sa mga nabanggit na lugar kung saan marami sa mga bagong kaso ang naitala ayon kay spokesperson Harry Roque sa kanyang regular na pag-update. Dagdag pa nito ay sinabi din nyang ang magiging deklarasyon ay hindi nagbibigay ng pagka-relax ngunit ang anunsyo ay napapailalim sa apela at kailangan ibalita ng Pangulo sa publiko.

Ang Option- Lockdown
Photo Credit: Straitstimes

Aniya,

“It does not inspire relaxation, but the announcement is subject to appeal and would be announced by the President,” he said.

Ang naitala ng DOH

Ang Department Of Health (DOH) ay nakapagtala noong Miyerkules ika-10 ng Hunyo ng higit pa sa 740 na mga infected, na may 452 na kumpirmado sa huling tatlong araw.

Ang DOH- Lockdown
Photo Credit: Rappler

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga sariwang kaso na kinumpirma ng DOH mula nang magsimula itong baguhin ang pag-uulat ng COVID-19 noong Mayo 29 upang makilala ang mga bahagi na mag pagpapatunay na may backlog. Ang bansa ngayon ay mayroong 23,732 kaso, na may 4,895 na recoveries at 1,027 na namatay.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin lamang ang Pinasbalita.org

Source: CNN PHILIPPINES

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: