Press "Enter" to skip to content

Paninda Na Gulay Ng Isang Batang Taga-Bicol, Pinakyaw Lahat Ng Mga Nagpapatrol Na Pulis

Last updated on August 13, 2020

Isang batang nagtitinda ng gulay ang nadaanan ng mga nagroronda na pulis sa kahabaan ng kalsada sa Bicol. Pinakyaw nila lahat ang mga paninda nito na sitaw upang ito ay makauwi na sa kanilang bahay.

Ang batang tindera

Mula ng magkaroon ng pandemiya dito sa ating bansa ay mahigpit ng ipinagbabawal ang paglabas sa ating bahay, lalo na sa mga matatanda at mga bata. Dahil naniniwala ang mga eksperto na madali silang madapuan ng sakit o virus.

Paninda Na Gulay Ng Isang Batang Taga-Bicol, Pinakyaw Lahat Ng Mga Nagpapatrol Na Pulis 2
Photo Credit: Rolyn Garbo

Gayunpaman, kahit maigting ang kabi-kabilang pagbabawal at pag-aalala sa iba ay mayroon pa rin lumalabas sa kanilang bahay. Isa na rito ang isang batang babae. Siya ay nadaanan ng mga nagpapatrol na pulis sa gilid ng kalsada na nagtitinda ng gulay na sitaw.

Hindi alintana ng batang tindera ang maaaring dulot sa kanya ng pagtitinda niya sa kalsada lalo at lumalala at dumadami ang nagkakasakit ngayon. Bukod dito, marami pang masasamang-loob na nagkalat sa panahon ngayon.

Marahil ay gusto rin ng batang ito na makatulong sa kanilang pamilya kaya siya nagtitinda. Nakakadurog lang ng puso na may mga batang kailangan pagdaanan ang ganito, imbis na maglaro at mag-aral, pagtitinda pa ang ginagawa niya.

Pinakyaw ang sitaw

Pinagsabihan ng mga pulis ang bata na ‘wag na itong magtinda doon dahil bukod sa nasa gilid siya ng kalsada ay wala man lang kabahay-bahay sa lugar. Mahirap na lalo kasi babae pa eto at menor de edad.

Paninda Na Gulay Ng Isang Batang Taga-Bicol, Pinakyaw Lahat Ng Mga Nagpapatrol Na Pulis 3
Photo Credit: Rolyn Garbo

Nais ng mga pulis na makauwi na ang bata sa kanila kaya pinakyaw na nila ang paninda na sitaw nito. Nangangamba ang mga ito baka magtagal pa doon ang bata at mapahamak pa. Laking tuwa naman ng bata na naubos ang kanyang mga paninda.

Pagkatapos nilang pakyawin ang mga paninda ng bata ay inihatid na nila ito sa Barangay. Upang sa ganun ay maihatid ito sa kanilang bahay, at mapag-sabihan na rin ang mga magulang nito na ‘wag ng hahayaan na nasa kalsada ang kanilang anak.

May mabubuting puso

Kilala natin ang ating mga kapulisan sa katapangan, lalo na at sila ang nangangalaga sa ating kaligtasan. Nakakatuwa lang tingnan ang ganitong mga scenario na hindi lang pala sila sa barilan at paghuli sa kriminal magagaling, may tinatago din silang kabutihan ng puso para sa kanilang kapwa.

Paninda Na Gulay Ng Isang Batang Taga-Bicol, Pinakyaw Lahat Ng Mga Nagpapatrol Na Pulis 4
Photo Credit: Rolyn Garbo

Ang pagtulong naman sa kapwa ay walang pinipili. Kahit sino sa atin pwedeng tumulong, mas marami, mas mabuti. Sa mga hinaharap natin na pagsubok ngayon, mahalaga ang pagtutulungan. Walang mawawala sa atin kung ibahagi natin kahit konti kung anong meron tayo, dahil sa konti na ‘yun, malaking tulong na ito para sa iba.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: