Press "Enter" to skip to content

Panindang Alimango Ng Isang Lalaki Kinumpiska Ng Mga Awtoridad!

Nito lamang nakaraan ay may  isang post sa facebook ang nagtrending ukol sa isang lalaki na kinumpiskahan ng paninda niyang alimango ng mga awtoridad. Ang video post na ito ay may caption na humihingi ng tulong. “Good afternoon po mga boss… baka po pwedeng humingi ng tulong kasi kinuha po lahat ang paninda kong alimango ng mga DPSTM SOUTH MEMBER”

Ang viral video

Sa video makikita ang lalaking naka orange na taga  “DPSTM SOUTH MEMBER”, na isa isang isinasalin ang mga alimango sa isang lalagyan. “Wala na sir, inaano na eh, hindi na raw ito mababawi sir.” maririnig na may nagtatanong sa may ari ng paninda kung kaniya ba ang mga ito. 

Panindang Alimango Ng Isang Lalaki Kinumpiska Ng Mga Awtoridad! 2
Photo Credit: Facebook

Ayon sa may ari, pabenta lang sa kaniya ang mga alimango, ibig sabihin ay may iba pang may ari nito at humahango lamang siya. Dagdag pa niya utang lang niya ang puhunan niya dito at ito lamang ang kaniyang pinag kakakitaan, ikinasasama pa ng kaniyang loob ay kasalukuyang buntis ang kaniyang asawa kayat ano na lamang ang kaniyang pagkukuhanan ng kita pantustos sa pang araw araw nila.

Patunay ang video

Habang kinukuha ang kaniyang panina ay sinabi ni Arnel na wala na daw syang magagawa sapagkat napag desisyunan ng mga awtoridad ang pagkumpiska sa mga paninda niya, kahit pa siya ay nakiusap na. Ginawa ng lalaki ang pag video upang maipakita sa kaniyang amo na nakumpiska ang kaniyang panindang alimango. 

Panindang Alimango Ng Isang Lalaki Kinumpiska Ng Mga Awtoridad! 3
Photo Credit: Facebook

Samantala sa facebook page naman ng DPSTM SOUTH ay makikita ang post video ng may ari ng panindang alimango. Ayon sa caption ng post, si Arnel Indino Beranque ay isang illegal vendor sa Araneta Square. Ang naunang video ay naganap pa noong July 30, 2020, na nagsasabi si Arnel na hindi na maibabalik ang kaniyang paninda. 

Pahayag ni Arnel at ng netizens

Sa pangalawang video sinabi ni Arnel na naibalik naman ang kaniyang panindang alimango ngunit patay na ang mga ito, nagawa niya ang pag post sa kadahilanang sumama ang kaniyang loob dahil sa pagkakalugi.

Panindang Alimango Ng Isang Lalaki Kinumpiska Ng Mga Awtoridad! 4
Photo Credit: Facebook

Umani ng samut saring komento naman ang video post na ito. “kakapal ng mga mukha niyan nghahanap buhay yung tao kuhaan nyo paninda nakikiusap na nga yung tao sa inyo mga demonyo kayo wala kayong awa dapat sa inyo sa kulungan mga hayup kayo iparating sana yan ky raffy tulfo para mabigyan ng leksyon mga demonyong yan!” ani ng isang galit na netizen.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: