Press "Enter" to skip to content

Panindang Ice Cream Ni Lolo, Pinakyaw Ng Mga Delivery Truck Drivers

Isang viral post ngayon ang naghatid ng ngiti at lungkot sa marami. Ang post ng netizen na si Patrick Mariano ang isa sa mga patunay na wala sa estado ng buhay ang kakayahan na tumulong, magoangiti, at maghatid kasiyahan sa kapwa.

Mabubuting loob

Nahagip ng camera ni Mariano ang isang magandang eksena sa tapat ng kanyang bahay kamakailan. Kwento nito, habang nagliligpit ito sa kanyang kwarti, namataan nito ang pumaradang delivery truck sa tapat ng kanilang bahay. Nakita nito na tinigilan ng mga sakay ng truck ang isang lolo na nagtitinda ng ice cream kahit pa man masama ang panahon. Pinakyaw ng mga lalaki ang lahat ng tinda ng matanda. Ito ay upang makauwi na ito sa kanyang pamilya at hindi na magtinda pa sa araw na iyon dahil sa walang tigil ang ulan.

Panindang Ice Cream Ni Lolo, Pinakyaw Ng Mga Delivery Truck Drivers 2

“Doon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay.”

Sa kabila ng pabugso bugsong pag-ulan dulot ng bagyo, raincoat at sumbrero lamang ang suot nito bilang protesyon.

Pinasalamatan

Kita sa mga larawan na kuha ng netizen ang ngiti na naidulot ng mga good samaritan kay tatay. Ang mga mabubuting trabahante ay mula sa Shalom Organic Fertilizer. Ani Mariano, saludo ito sa kabutihan ng puso ng mga ito. At dahil sa maliit na kabutihan na nagawa nila, nakapagdala sila ng magandang ehemplo sa iba.

Panindang Ice Cream Ni Lolo, Pinakyaw Ng Mga Delivery Truck Drivers 3

“Shalom Organic Fertilizer, , salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else.”

Dagdag pa niya, isang inspirasyon sakanya nang masaksihan nito ang kabutihan ng mga mababait na trabahante.

“Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspired us to do better for other people.”

Liban pa riyan, hindi na rin kinuha ng mga delivery truck drivers ang sukli na syang lubos na ikinasaya ng matanda.

Kwento ni tatay

Ibinahagi rin ng netizen na natagpuan nito ang pagkakakilanlan ni tatay. Ang pagtitinda sa bawat araw ay kusang-loob nitong ginagawa. Hindi din abiya ito pinipilit ng kanyang pamilya na maghanap buhay. Anila ay marahil nasanay lamang ang matanda na kumayod dahil ito ang nakamulatan nito simula nang bata pa ito.

Panindang Ice Cream Ni Lolo, Pinakyaw Ng Mga Delivery Truck Drivers 4

“Was able to get sources/leads sa whereabouts ni tatay. Si tatay lang daw po di umano ang may gustong lumabas at magtinda. Hindi daw sya nire-require ng family nya. Siguro nasanay lng talaga si tatay na magtrabaho mula pagkabata nya kaya ayaw daw niya manatili sa bahay.”

Kitang kita gaano kasaya si tatay na makakauwi na sya agad.

Posted by Patrick Mariano on Tuesday, October 13, 2020

Faith in humanity restored.Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na…

Posted by Patrick Mariano on Tuesday, October 13, 2020

Source: Patrick Mariano

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: