Press "Enter" to skip to content

Panoorin: Viral Video Ng PamBuBuLLy Sa Isang Dalaga Sa Laguna

Isang viral video ng pambu-buLLy sa gitna ng mga menor de edad ang kumakalat sa social media. Ang video ay pinost ng netizen na si Jasper Ejiri. Ayon sa post nito,

“Taga aplaya daw po to..my gad sino mga magulang nyo ..🥶 bkit kayo ganan nkow very wrong yan mga ineng#brgyaplayabully ng taon😱🥶🥶🥶”

Viral video

Sa viral video ay makikita ang babaeng naka-stripes na shirt na syang bumabanat sa isang dalagang naka-pink na shirt. Ang babaeng nananakit ay kinilalang si Maxine Atienza Sol at ang biktima nito ay kinilalang si Heaven Oliveros.

Panoorin: Viral Video Ng PamBuBuLLy Sa Isang Dalaga Sa Laguna 1

Sa video ay makikita ang paulit ulit na paghaltak sa buhok ng dalagang si Heaven na noon ay hindi lumalaban. Panay lamang ang tanggap nito sa mga pananakit ni Maxine, pati na din sa paulit-ulit na pagpukpok nito sa kanyang ulo.

Sa parehong video ay maririnig ang iba pang kabataan na nasa paligid lang, nagtatawanan at pinapanood ang walang humpay na pambuBuLLy ni Maxine.

Panoorin: Viral Video Ng PamBuBuLLy Sa Isang Dalaga Sa Laguna 2

Ang mga kabataan na ito ay mga taga-Laguna. Ayon sa isang netizen, taga-Lake Breeze, Laguna ang dalagang si Maxine.

Mga accomplice

Sa isang hiwalay na post mula kay Genisis Oliveros, inilabas nito ang mga Facebook accounts ng mga diumano ay mga nagtulong-tulong na apihin o buLLyHin ang kanyang kapatid.

Ang mga Facebook accounts ay pag-aari nina Bambie Alcala, Aizelleanne Olan Deluna, Jian Karla Retusto Mule, at ang offender na si Maxine Atienza Sol.

Panoorin: Viral Video Ng PamBuBuLLy Sa Isang Dalaga Sa Laguna 3

Turuan ng leksyon

Ngayon na viral na ang video at mabilis ang patuloy na pagtaas ng views nito, hiling ng maraming netizens ay mabigyan ng leksyon ang mga kabataang ito upang matigil na ang pamBuBuLLy.

Karamihan ay tina-tag ang Raffy Tulfo In Action upang mabilis na makuha ang atensyon nito at mabigyan ng leksyon hindi lamang si Maxine, pati ang mga kasabwat nito.

https://www.facebook.com/jasper.ejiri/videos/3069372763081485/

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: