Press "Enter" to skip to content

Panunutok Ng Chinese Warship sa Barko Ng Philippine Navy, “Test” Lang Daw?

Manila, Philippines – Sinabi ni Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND) na mukhang “testing” lang daw ang panunutok ng armas ng isang Chinese warship. Ito ay nangyari sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Lumabas ang kanyang pahayag, Martes, Abril 28.

Insidente noong Pebrero

Matatandaang itinutok ng isang Chinese corvette ang gun control director nito sa BRP Conrado Yap (PS-39) malapit sa bayan ng Rizal kung nasaan nandun ang Commodore Reef. Ito ay nangyari sa parte ng West Philippine sea noong kalagitnaan ng Pebrero.

Panunutok Ng Chinese Warship sa Barko Ng Philippine Navy, “Test” Lang Daw? 1
Photo credits: INQUIRER.NET

Ang insidente ay nito lamang nakaraang linggo lumabas sa publiko kung saan nagsampa ng diplomatic protest ang gobyerno ng Pilipinas sa China.

Pahayag ni Lorenzana

“Parang ano lang ito, sinusubukan lang nila kung ano ang reaksyon natin,” Ito ang sinabi ni Lorenzana sa isang online press briefing.

Panunutok Ng Chinese Warship sa Barko Ng Philippine Navy, “Test” Lang Daw? 2
Photo credits: The Philippine STAR

Sinabi ng kalihim na maaaring wala namang intensyon ang mga Chinese na manakit sa mga marinong sakay ng barko ng Philippine Navy. Dagdag pa niya na ang kanilang ginawa ay “medyo offensive.”

“Sabi ko naman sa ating mga Navy at saka Air Force ay parang ang katulad nyan hindi naman siguro nila papuputukan ng missile yung ating mga barko at saka eroplano,” dagdag pa niya

Sagutan lang

“Ito lang ay katulad ng kanilang ginagawa tuwing tayo ay dadaan diyan sa West Philippine Sea within our EEZ at tsina-challenge tayo na ang sabi eh ‘You are traversing Chinese territory,’” paliwanang niya.

Panunutok Ng Chinese Warship sa Barko Ng Philippine Navy, “Test” Lang Daw? 3
Photo credits: YouTube

“Ang sinasagot naman ng ating barko at eroplano ay ‘we are traversing within our EEZ.’ So sagutan lang ng sagutan ang mga ‘yan. Every time na dumaan ang ating barko at eroplano, nagkakaroon ng ganyang exchange,” dagdag pa niya.

Nauna ng nagpahayag ang Western Command sa Palawan tungkol dito. Sila ang sangay ng militar na nakatalaga sa West Philippine Sea. Sabi nila, ang ginawa ng barkong pandigma ng China, “a hostile act on the part of the Chinese government.”

Source: INQUIRER.NET

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: