Taytay, Rizal – Viral ngayong sa social media ang pang gigipit ng Presidente ng Home Owners ng St Anthony Taytay Rizal matapos nitong bakuran ang right of way dahilan para hindi makadaan ang mga tao.
Reklamo at inis
Ayon sa nag video, 38 years na silang naninirahan sa lugar na iyon at ng una naman daw ay matiwasay silang nakakadaan. Ngunit simula ng naupo ang bagong presidente ng homeowners ay pinasyahan kaagad niyang pa-bakuran ang nasabing lugar dahilan para hirap na makadaan ang naninirahan doon.

Wika ng lalake,
“Tatay ko po, na stroke. apat lang po kami dito. May kasama po akong dalawang senyor citizen tapos asawa ko po buntis. Papaano kami makakadaan kung may bakod, matulis na bakod.”

Dagdag pa niya,
“Sana naman kahit maliit na espasyo binigyan nila kami ng daanan. Papaano naman pag may emergency, manganganak ung asawa ko at na stroke ang tatay ko. Di naman po sila makaka-akyat sa mataas na bakod lalo na’t ang tulis. Napaka walang awa naman ng Preseidente ng home owners ng St Anthony Taytay Rizal.”
Pang-gigipit
Nagmamakaawa at desmayado din ang lalake dahil hindi umano ito ang unang beses na sila ay ginipit ng Presidente. Dahil umano, bukod pa sa nilagyan ng bakod ang daanan nila ay pinutulan pa umano sila ng linya ng tubig.

Ayon pa sa lalake,
“Eto po ang dating gate namin. May daanan papasok at palabas ng village. Pero po sinira nila tapos pinalitan ng mataas na bakod. Hirap na nga makalakad ang papa ko, umakyat pa kaya ng bakod? papano po pag may nangyaring emergency, saan kami dadaan? Napaka walang hiya po nila!”
Sa nasabing video, ay ipinakita pa ng lalake kung papaano siya umaakyat ng bakod para lamang makalabas at makabili ng pang araw-araw na pagkain.
Panawagan sa kinauukulan
Lubos na nanawagan naman ang lalake kay Idol Raffy at sa Presidente na sana umano ay matulungan sila sa kanilang problema.
Ang nasabing lugar ay katabi mismo ng St Anthony Chapel sa loob ng nasabing village. Bukod sa mataas at matulis na bakod, probelama pa umano nila ang naka padlock na gate. Noong una daw ay bukas pa iyon ngunit pag gising na lamang daw nila kinaumagahan ay nakasarado na ito dahilan para hindi na sila tuluyang makadaan.

Ani pa ng lalake,
“Tao naman po kami, may puso. Sana tratuhin kami ng parang tao dahil hindi naman kami hayop. Kaibahan nga lang po kasi kami may puso siya wala. Tulungan nyo po kami Sir Raffy, kayo lang po ang alam ko na makaktulong samin. Lagi po ako nakasubaybay sa programa ninyo. Sana po ay matulungan nyo kami.”
Paulit-ulit na sambit ng lalake na walang puso ang gumawa sa kanila noon at hindi man lang daw sila binigyan ng daanan. Masakit pa dito, pinadlock umano sila na parang naka kulong na hayop.
Source: ELtvShow
Be First to Comment