Inihain ang Senate Bill 1546 upang pawaligin ang bisa ng Bayanihan to Heal as One para patuloy na magamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang espesyal na kapangyarihan upang matugunan at harapin ang kasalukuyang hinaharap na pandemya ng bansa.
Bayanihan to Heal as One Act
Ang Republic Act No. 11469 o mas kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act, ay isang batas na pinirmahan noong ika 24 ng Marso na nagbibigay ng dagdag na awtoridad sa ating pangulo sa pagsugpo sa COVID-19 pandemya sa Pilipinas. Ito ay mayroong bisa ng tatlong buwan o hanggang ika 24 ng Hunyo.

Ang pagpapalawig ng bisa ng nasabing panukala ay inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri hanggang sa katapusan ng Setyembre.
Migz Zubiri
Ayon kay Zubiri, mas tumataas araw araw ang bilang ng kaso ng may mga COVID-19 sa kabila ng pagsasabing nararanarasan na ang “flattening the curve”.

Dagdag pa ni Zubiri na hinihintay na lamang ng Malacanang ang commitee report at inaasahan naman ang pag-certify bilang isang “urgent bill”
Urgent Bill
Tanging ang Pangulo lamang may kapangyarihang mag-certify ng “urgent bill upang matugunan ang pangangailangang may kinalaman sa kalamidad o biglaang pangyayari. Ang nasa ilalim ay parte sa nasasaad sa Artikulo 6, Sekyon (2) ng 1987 Konstitusyon

Ayon sa konstitusyon,
Hindi dapat maging batas ang ano mang panukalang-batas na pinagtibay ng alin mang Kapulungan matangi kung ito ay mapagtibay sa tatlong pagbasa. Maliban kung ang Pangulo ay magpapatunay sa pangangailangan ng madaliang pagsasabatas nito upang matugunan ang isang pambayang kalamidad o kagipitan.
Pagkontra ni Senador Franklin Drilon
Sa kabilang banda, nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mapawalang bisa ang Sekyon 6 ng Bayanihan Act dahil sa ginagawang pang-aabuso sa pagpapatupad nito.
Ani Drilon “I have extreme reservations about renewing Section 6 of RA 11469 because of what we have seen as the way it is implemented by those who are in charge. We have seen how law enforcers have used this provision to arrest people for acts which otherwise would not justify arrest without warrants. The alleged violators are mostly the poor and vulnerable who are driven by hunger and the lack of jobs.”

(Ako’y nag-aalinlangan sa pag renew sa Sekyon 6 ng RA 11469 dahil sa nakikita natin kung papaano ipinatutupad ito ng kinauukulan. Ginagamit ito upang mang-huli ng mga tao ng walang warrant subalit hindi mabigyan katwiran. Napagbibintangang lumalabag ay ang mga mahihirap na maaring nagagawa ang paglabag dahil sa walang makain at kawalan ng trabaho.)
Sa kasalukuyan ay mayroon ng lampas 21,000 katao ang tinamaan ng sakit. Mahigit 4,000 ang gumaling at 994 ang mga nasawi.
Source: GO Laguna
Be First to Comment