Press "Enter" to skip to content

Para-Paraan! Gawang Alkansya At Ihawan Ng Dalawang Construction Worker, Nag Viral!

Gawang alkansiya at ihawan na mula sa scrap metal ang ginawa at ipinagpapalit ng dalawang construction worker para may makain. Ito ay sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Pilipinas laban sa corona virus disease (COVID-19).

Ang alkansya at ihawan

Kuwento nina Teddy Dayao, 40-anyos, at Ryan Yanga. mula sa napupulot nilang pinagtabasang materyales mula sa construction site. “Ginawan ng paraan, mga scrap-scrap na lang papalit ng ulam para mabuhay lang,” sabi ni Dayao.

Para-Paraan! Gawang Alkansya At Ihawan Ng Dalawang Construction Worker, Nag Viral! 2
ABS-CBN News

Hindi na rin niya alam kung ano na ang sitwasyon ng pamilyang naiwan sa Dumaguete. “Yung mga pamilya namin sa probinsiya ‘di namin alam kung anong nangyayari doon. Si God na lang bahala kung anong mangyayari,” sabi ni Dayao.

Ang ginagawa sa mga ito

Ang mga naturang alkansya at ihawan ay ipinagpapalit nila sa karne o delata. Ginagawa nila ito upnag may makain sila habang wala sialng trabaho.

Para-Paraan! Gawang Alkansya At Ihawan Ng Dalawang Construction Worker, Nag Viral! 3
ABS-CBN News

Inaalok daw nila ito sa malapit na bahay o tindahan. Sa kadahilanang hindi naman nila ito mailako sa ibang lugar at baka hulihin lang sila ng mga pulis.

Malungkot na sitwasyon

Wala rin silang natanggap na pera mula sa social amelioration program ng pamahalaan. Nag-aalala rin si Yanga sa kaniyang mga magulang sa Pampanga dahil wala rin siyang maipadalang pera sa kanila.

ABS-CBN News

“Wala rin akong maipadala, wala rin mautangan. Kaysa magnakaw ka, ito na lang po naisip namin. At least po ito marangal,” sabi ni Yanga.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: