Press "Enter" to skip to content

Para Sa Mga Online Seller “PM Is The Key” Labag Sa Batas, Ayon Sa DTI.

Nagbigay ng babala ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga online sellers na labag sa batas ang hindi pagdedeklara o paglalagay ng presyo sa kanilang mga ibinebentang produkto.

Babala ng DTI

Ayon kay Trade Undersecretary for Consumer Protection na si Ruth Castelo, na ang Republic Act No. 7851 o Price Act ay nagtatakda na ang mga produkto na ibinebenta nang walang presyo ay maaaring maging ebidensya ng tinatawag na profiteering.

Para Sa Mga Online Seller "PM Is The Key" Labag Sa Batas, Ayon Sa DTI. 2
Photo Credit: GMA News

Paliwanag ni Castelo, paglabag sa Price Act kung walang price tag at ang pamamaraan na, “PM is the key” ay mahigpit na itong ipinagbabawal sa ngayon. Ayon kay Castelo:

“Yung hindi naglalagay ng presyo doon sa goods nila constitutes as profiteering and the Price Act does not distinguish online or physical selling. Hindi puwede ‘yung PM, they’ll send you a private message or text or whatever means.”

Dagdag pa niya,

“May specific provision doon (sa Price Act) na magiging profiteering siya kung ang produkto ay walang nakakabit na price tag. Kapag in-advertise or you offer it for sale tapos walang price tag, that’s profiteering.”

Hindi lang online sellers

Ayon naman kay Trade Secretary Ramon Lopez, ang batas na ito ay hindi lamang saklaw ng mga online sellers, kasama na rin dito ang mga physical store. Ayon pa kay Lopez, under the Price Tag Law, obligado ang mga seller o may-ari ng tindahan na ilagay ang actual price ng kanilang mga produkto.

Para Sa Mga Online Seller "PM Is The Key" Labag Sa Batas, Ayon Sa DTI. 3
Photo Credit: Sunstar Davao

Aniya,

“Tulad din ng pagbenta sa regular groceries or sa shelves ay may price tag. So, dapat ito rin ay nasa tamang presyo. Hindi puwede ‘yung nakuwento ninyo na piso or P12345, ganyan. Hindi rin naman puwede ‘yun. Dapat ‘yung actual price and i-indicate doon.”

“Sa panahon ngayon, sana wala na ho munang mga magsasamantala lalo na sa consumers. Importante, magtulungan ho tayo sa panahon ngayobn na may krisis tayo.”

Pagtatapos ng pahayag ni Lopez.

Bakit “pm is the key”?

Bakit nga kaya kapag nagtatanong tayo ng presyo ng isang produkto na naka-post sa online, eh “PM sent” lagi ang sagot? Hindi ba puwedeng isama sa pag-post ang presyo?

Para Sa Mga Online Seller "PM Is The Key" Labag Sa Batas, Ayon Sa DTI. 4
Photo Credit: GMA News

Marahil may iba’t-ibang dahilan ang mga online sellers kung bakit ito ang pamamaraan nila. Hindi sila naglalagay ng presyo dahil sa kompetisyon sa ibang mga seller o takot na malamang peke ang kanilang binebentang produkto.

Anuman ang kanilang mga dahilan, mas makakabuti ‘yung hindi tayo nanglalamang ng ating kapwa. Bagkus, tayo ay tumulong na maiangat ang isa’t-isa, ‘wag maging makasarili, gumawa din kabutihan sa kapwa, kahit paminsan-minsan lang.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: