Press "Enter" to skip to content

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers

Manila, Philippines – Hiniling ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa Bureau of Immigration na ipa deport ang mga Chinese nationals na nahuli na nagta trabaho sa isang iligal na POGO. Patuloy ang kaning operasyon sa kabila ng lockdown sa buong Luzon.

Gustong ipa-deport

Ang panawagan ay ginawa matapos ma-aresto sa isang operasyon ng mga pulis ang 44 na trabahanteng Chinese noong Biyernes sa Barangay Tambo, Naia Road. Nahuli sila dahil sa sumbong na mayroon umanong mga taong gumagala sa lugar kahit oras ng may curfew.

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers 1
Photo credits: Twitter

Kasali sa mga nahuli ay ang siyam na mga Pinoy na nagta-trabaho din doon. Sabi pa ni Olivares, ang iba sa mga nahuli ay may dala-dala pang mga baril.

Pahayag ni Olivares

“Noong Friday night, nagkaroon kami ng operation doon at nakita po namin na nag-o-operate illegally ‘yung isang POGO operator na pinaverify din po namin na wala pong lisensya from Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lalong-lalo na alam naman natin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF ) ay pinatigil ang ating POGO operations during the enhanced community quarantine.”

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers 2
Photo credits: INQUIRER.NET

“Mas mahirap pa rito, may mga baril na nakuha sa kanila na mga .45 calibre at 9mm, kaya po tayo ay nagrequest sa Bureau of Immigration na ito pong mga Chinese na ito ay ma-deport ho natin immediately dito po sa ating bansa,”

Pagmamatyag

Sinabi pa ni mayor Olivares na dahil sa nangyari ay naging mahigpit sila sa pagbabantay sa ibang mga POGO. Ang iba umano sa mga ito ay walang mga lisensya at patuloy sa kanilang operasyon.

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers 3
Photo credits: CNN Philippines

“Lalo po kaming magiging aware sa mga nag-o-operate ng iligal dito sa atin. Hindi po pwedeng mag-operate ang POGO sa Parañaque either may license siya sa Pagcor. Iyan po ay maliwanag na sinuspend ng ating PAGCOR at IATF.”

Pahayag ng BI

Ayon naman sa tagapag salita ng Bureau of Immigration na si Dana Sandoval, kanila na umanong bine-verify ang mga pagkaka kilanlan ng mga Chinese nationals na nahuli. Kailangan ito bago sila makasuhan at ma-deport.

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers 4
Photo credits: GMA News

“We are also interested to find out if they have other cohorts or if similar establishments are operating in the area. We will be coordinating with the Philippine National Police to gather more intelligence information about this.”

“We will not take this lightly. Foreign nationals that are in the country must abide by our laws lest face criminal and immigration sanctions.”

DOJ

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Justice Undersecretary Markk Perete na madedeport ang mga nahuli kapag sila ay napatunayang lumabag sa immigration laws. Samantala, kapag sila umano ay mayroong kasong kriminal at napatunayang may sala, makukulong muna sila dito bago i-deport.

Parañaque Mayor, Gusto Ipa-Deport Ang Mga POGO Chinese Workers 5

Matatandaan na tutol ang mga mambabatas na magpatuloy ang operasyon ng mga POGO pagkatapos ng enhanced community quarantine. Dahil umano hindi sila kasama sa essential industry. Isa pang dahilan dito ang hindi nila pagbabayad ng tamang buwis na dapat ay magbibigay ng karagdagang kita sa gobyerno.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: