Press "Enter" to skip to content

Parañaque, Pinahinto ang Mass Testing Ng COVID-19

Last updated on June 3, 2020

Pinahinto ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mass testing para sa COVID-19 ng mga Tsino na ginagawa sa isang eksklusibong subdivision sa Parañaque.

Ang pasyente

May 200 hanggang 300 na mga Tsino ang isinailalim sa mass testing para sa COVID-19. Ang mga ito ay mga Tsinong manggagawa ng isang Philippine offshore gaming corporation o POGO sa Las Piñas.

Parañaque, Pinahinto ang Mass Testing Ng COVID-19 2
Photo credits to GMA Network

Ayon kay Olivarez, mga residente ng BF Homes subdivision ang mga Tsinong ito.  Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Las Piñas City Government kung rehistrado ang kumpanyang ito.

Aprubado ng DOH?

Ayon sa isang report, ang laboratoryo ay aprubado umano ng Department of Health o DOH ngunit walang permit galing sa City Health Office. Ang espasyo para sa laboratoryo ay inupahan lamang habang ang eksaminasyon ay ginawa sa isang bukas na lugar. Napag-alamang ang ginamit na lugar ay ang Park clubhouse ng BF Homes Subdivision. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque City government, ang nag-set up ng laboratoryo para mag-proseso ng swab samples at siya ring kumuha ng swab samples ay mga Pilipino.

Parañaque, Pinahinto ang Mass Testing Ng COVID-19 3
Photo credits to Business World

Nagbigay ng pahayag si Mayor Olivarez:

“Nagulat po kami na wala pong notification ang city, walang permit na kinuha sa City Health Office, nabalitaan lang po namin.”

Dagdag pa niya:

“Immediately nu’ng nalaman po natin, pinapuntahan po natin ng ating City health Office po ‘yan kasama ang ating police po doon at pinatigil po natin ‘yun.”

Itinananggi

Sinabi ng gobyerno ng Parañaque na hindi sila nagbigay ng permiso at dinala na sa atensyon ng legal office ng Parañaque. Samantala, ayon naman sa mga opisyales ng BF Homes sa isang Facebook post nila na hindi humingi ng permit sa kanila o sa Parañaque City health office ang mga may kinalaman sa aktibidad na ito.

Parañaque, Pinahinto ang Mass Testing Ng COVID-19 4
Photo credits to Manila Bulletin

Ayon naman sa Parañaque City administrator Fernando Soriano, tanging ang BF Federation of Homeowner Associations Inc ang nagbigay ng permiso sa testing. Sa ngayon, ang sinasabing illegal na laboratoryo ay tinanggal na. Iniimbestigahan na ngayon ang pangyayaring ito.

Source: Philstar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: