Press "Enter" to skip to content

Pares Mami Vendor Na Binaril Ng Holdaper Sa Mukha, Pumanaw Na

Pumanaw na ang biktimang binaril sa leeg ng holdaper sa Baseco, Tondo Maynila. Isang linggo makalipas ang insidente ay pumanaw na ang biktimang si Samson Bautista, 41, tindero ng pares mami.

Pumanaw na

Ayon kay Sydney Bautista, kapatid ng biktima, pumanaw umano si Samson matapos ang isang major surgery na isinagawa sa Philippine General Hospital. Kinumpirma ito ni Sydney sa panayam sakanya ng Super Radyo DzBB.

Pares Mami Vendor Na Binaril Ng Holdaper Sa Mukha, Pumanaw Na 1

Matatandaang binaril sa leeg si Bautista matapos hindi ibigay nito ang bag na naglalaman ng buong araw na kita nito mula sa pagbebenta ng pares. Ilang araw matapos mag-viral ang video ng pagpaslang ay agad na nahuli ng Manila Police District ang suspek na si Alexander Ogdamina.

Pares Mami Vendor Na Binaril Ng Holdaper Sa Mukha, Pumanaw Na 2

Nakulong na ito sa kasong dR0g4 ang kinasasangkutan noong 2017. Inamin din nito na gumagamit ito ng ipinagbabawal na gam0t.

Tolongges

Ang manhunt operation ay ikinasa ni Manila Mayor Isko Moreno. Sa isang interview kay Ogdamina, nagbigay pa ito ng mensahe at payo sa karamihan na ibigay na lamang ang gamit sakaling mahoholdap ang mga ito dahil tinototoo umano ng holdaper ang mga banta nito. At para na rin hindi humantong sa pagP4sl4ng ang mga kaso ng panghoholdap.

Sa pagkakahuli naman kay Ogdamina ay harap harapan itong kinumpirma ng kaibigan ng pares mami vendor na syang state witness sa nangyaring insidente. Payo ni Mayor Isko ay huwag magpaareglo upang makulong nang tuluyan ang suspek at hindi na makapaminsala pa ng ibang tao.

Iniuwi

Iniuwi naman ang mga labi ni Samson Bautista sa probinsyano nito sa Tiaong, Quezon. Nabalo nito ang asawa at tatlo pang mga anak.

Galit ng netizens

Galit naman ang namayani sa mga netizens dahil sa kinahantungan ng biktima. Anila ay dapat mabulok sa kulungan ang suspek at hindi na makalaya pa. Ang iba naman ay nagpabatid ng pakikiramay sa nasawing pares vendor. Anila ay nagtatrabaho at kumakayod ito nang marangal at matatapos lang ang buhay mula sa kamay ng isang holdaper.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: