Press "Enter" to skip to content

Pasaway Na Violator, Patay Matapos Barilin Ng Isa Sa Mga Pulis Na Nagpapatupad Ng Quarantine Control

Patay ang isang violator na napag alaman na isang dating sundalo. Ito ay matapos barilin ng isa sa mga pulis na nagpapatupad ng quarantine control sa Quezon City.

Ang violator

Namatay habang ginagamot sa Commonwealth Hospital ang napag alamang dating sundalo na kinilalang si Winston Ragos, 34-anyos, may asawa. Ito ay dating AFP personnel, at residente ng Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Pasaway Na  Violator, Patay Matapos Barilin Ng Isa Sa Mga Pulis Na Nagpapatupad Ng Quarantine Control 2
Facebook

Ang insidente ay naganap sa tapat ng Genel’s Silog na nasa kanto ng Maligaya drive at Sampaguita Street, Brgy. Pasong Putik ng nasabing lungsod.

Ang insidente

Ayon sa report ni P/Col. Jeff Bilaro, hepe ng Fairview Police Station 5 ng Quezon City Police Sistrict (QCPD). Kasalukuyan umanong nagsasagawa ng quarantine control sina PMSg Daniel Florendo, Jr. ng PS-5, P/T Djeles Gacilis, P/T Arnel Fontillas Jr. Kasama rin nila sina P/T Joy Flaviano, P/T Dante Fronda.

Pasaway Na  Violator, Patay Matapos Barilin Ng Isa Sa Mga Pulis Na Nagpapatupad Ng Quarantine Control 3
Facebook

Sila ay mga kapwa mga trainee ng Highway Patrol Group sa Maligaya Drive, Brgy. Pasong Putik, Queozon City. Nang lumapit ang dating sundalo sa dalawang trainee ng HPG na sina P/T Fontillas at P/T Flaviano.

Sa hindi malamang kadahilanan ay kung anu-anong salita umano ang pinagsasabi ng dating sundalo sa dalawang trainee ng HPG ngunit binalewala ito nina Fontillas at Flaviano. Sa halip ay ipinagbigay alam ng dalawang trainee ang nasabing insidente kay PMSg Florendo na siyang field training officer.

Ang pag beripika

Kaya agad na bineripika ni Florendo ang suspek na si Ragos, na noon ay may dala dalang sling bag kung saan ay nakalagay umano ang isang baril.

Pasaway Na  Violator, Patay Matapos Barilin Ng Isa Sa Mga Pulis Na Nagpapatupad Ng Quarantine Control 4
Facebook

Base sa viral video online, sa una ay nakataas pa ang kamay ni Ragos habang makikitang pinasusuko at pinadadapa ng pulisya ang suspek, na nagpakilalang dating sundalo, matapos na mapag-alamang may bitbit itong baril.

Ang pag baril

Maya-maya ay umakmang bubunot ng baril si Ragos ngunit naging mabilis sa pag-aksyon si Florendo at pinaputukan agad ang suspek para maiwasan ang anumang kaguluhan at mahuli ng maayos ang suspek.

Pasaway Na  Violator, Patay Matapos Barilin Ng Isa Sa Mga Pulis Na Nagpapatupad Ng Quarantine Control 5
Remate Ph

Kaagad na isinugod sa nasabing pagamutan ang suspek kung saan na idineklara itong dead on arrival.

Ang laman ng sling bag

Nakuha ng opisyal sa loob ng sling bag ng suspek ang isang 38 revolver smith and wesson na may lamang apat na bala at walang serial number. Pati na rin isang wallet na may mga ibat ibang ID’s, at ATM card.

Narito ang naturang viral video

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: