Press "Enter" to skip to content

Pasig City Hall, Dalawang Linggong Skeletal Workforce Ang Operasyon

Ang Pasig City Hall ay muling magsasagawa ng operasyon na may “skeletal workforce” sa loob ng dalawang linggo simula ngayong Lunes, Agosto 3, pag-anunsyo ni Mayor Vico Sotto nitong Linggo, Agosto 2.

Pahayag ni Mayor

Sa isang Facebook post, sinabi ni Sotto na magsisimula ang skeletal workforce ng lokal na pamahalaan mula Agosto 3 hanggang Agosto 16 maliban sa health-related offices na mananatiling fully operational.

Pasig City Hall, Dalawang Linggong Skeletal Workforce Ang Operasyon 2
Photo Source: Vico Sotto Facebook Page

Ang mga tanggapan ng kapayapaan at kaayusan, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) pati na rin ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ay mananatiling fully functional, dagdag ni Sotto.

Pagpapatupad ng foot traffic scheme

Sa kabilang banda, sinabi ni Sotto na ipatutupad ng city government ang “foot traffic scheme” sa Pasig Mega Market – isa sa mga pinakamalaking wet market sa Metro Manila – upang mapanatili ang social distancing sa mga vendor at market-goers.

Ang lokal na pamahalaan ay magpapatupad din ng mas mahigpit na health protocols na susundin, aniya, ang mga market vendor ay dapat na sumunod sa minimum health safety standards para masugpo ang local transmission ng coronavirus (Covid-19) disease sa loob ng pampublikong palengke.

Samantala, hinikayat ni Sotto ang mga residente na mag-ulat ng anumang paglabag sa mga health guidelines.

Sabi niya, “‘Pag may nakita kayong di nakasuot ng mask puwede niyo pong i-report sa Market Admin o sa Ugnayan (If you find anyone who is not wearing a face mask, you can report it to our market admin or at the Ugnayan hotline).”

Maaari ring magsampa ng mga reklamo ang mga residente sa government programs at city services sa Ugnayan sa Pasig hotline number 643-0000.

Muling paalala ni Mayor

Pinaalalahanan muli ni Sotto ang mga residente na sumunod sa health measures kasama na ang safe physical distancing, pagsusuot ng face masks, at iba pang health standards dahil ang parehong pampubliko at pribadong ospital ay puno na.

Pasig City Hall, Dalawang Linggong Skeletal Workforce Ang Operasyon 4
Photo Source: Rappler

Idinagdag niya, na sinabi na ang mga kaso ng Covid-19 ay tumataas pa,

“If possible, stay at home.”

(Kung maaari, manatili sa bahay.)

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: