Press "Enter" to skip to content

Pastor, Pinalayas Ang Mga Nasasakupan?

Isang grupo ng mga residente ang nanawagan para sa atensyon  ni Sir Raffy Tulfo, upang sila ay matulungan dahil sa pastor na mistulang hari sa kanilang barangay .

Panawagan ng mga residente

Kamakailan ay nagpost sa kanyang facebook account si Jelai Villar, residente ng Brgy. Malitlit, San Lorenzo sa Sta. Rosa , Laguna.Gumawa sila ng isang video kasama ang ilan sa kanyang mga kabarangay , upang maiparating ang kanilang hinaing kay Sir RAffy Tulfo. Matagal na umano ang pagpapahirap nila dahil sa pastor.

Pastor, Pinalayas Ang Mga Nasasakupan? 2
Photo Credit: Screenshot from Jelai Villar Video

Nais ng mga residente na idulog ito kay Idol Raffy , dahil sa kanilang sitwasyon na hindi agarang masolusyunan ang kanilang hinaing. Wala umano silang magawa dahil sinasabi ng pastor na pagmamay-ari niya ang lupaing tinitirikang ng kanilang mga bahay. Ayon sa mga residente sinira ng pastor ang poso na tanging pinagkukunan nila ng tubig. Kaya naman hirap na hirap ang lagayan nila ngayon.

Ang kanilang hinaing

Ayon kay Luzviminda Neiva, isa sa mga residente sa nasabing lugar,

Kami po ay humihingi ng tulong sa inyo, sa kadahilanang kami po ay matagal ng ginigipit dito sa aming tinitirhan,humihingi po kami ng tulong sa inyo sa kadahilanang kami po ay matagal na ginigipit dito sa tubig dito sa lugar namin ni Sir Albert Malasa. Sya po ay tinuturing na pastor dito sa lugar namin. Sya rin po ang naghahari harian dito sa amin. Kase ang sinasabi nya dito sa lugar namin , sya daw po ang may-ari ng lupa, kaya po nya sinira ang poso na pinagkukunan naming lahat ng tubig. Matagal na po kaming nagtitiis, ang iniigiban namin napakalayo dahil sa ginawa niya.Lumapit napo kami sa Barangay at Lupon ngayon eto na naman po mag-aantay na naman kami ng isang linggo, kagagaling lng po naming kanina Sir Raffy,sana naman po matulungan niyo kami.

Pastor, Pinalayas Ang Mga Nasasakupan? 3
Photo Credit: Screenshot from Jelai Villar Video

Matapos ito ay may dalawa pa sa kanila ang inagrabyado ng pastor, ang isa ay tinanggal ang kuryente at pagkatapos ay pinagputol putol ang mga kable nito, matapos silang idemanda na nauwi sa pagkatalo dahil sa kakulangan sa pera ay pinagbantaan pa aniya ang kanyang kapatid ng nasabing pastor. Ang sumunod naman ay winasak at giniba ang bahay ni Mariel Villar Cabreros ng di nila alam. Marame mahahalagang gamit din umano ang nawala sa kanya.  

Hiling ng mga residente

Dagdag pa nila ay di sila makapagreklamo dahil wala silang ibang pagkukunan dahil ang mga asawa nila ay kapwa konstraksyon worker lamang .Sobra na anila ang hirap nila sa pagkakaroon ng tubig dahil sa layo ng pinagkukunan nila. Sinubukan na rin nilang makiusap upang maikabit ang poso,ngunit bigo pa rin sila ng sabihin nitong pag iisipan pa nya ang desisyon.

Pastor, Pinalayas Ang Mga Nasasakupan? 4
Photo Credit: Screenshot from Jelai Villar Video

Nananawagan po ang mga residente na sanay maiparating ang kanilang hinaing kay Sir Raffy. Wala na umano silang maisip na ibang paraan para mapadali ang kanilang kinakaharap na problema. Paulit ulit na rin umano silang pinag aantay at pag pupunta nila sa barangay ay hindi naman sila hinaharap at ng humarap naman, ang katwiran ay idedemanda na lamang sila nito.

Narito po ang kabuuang video:

Posted by Jelai Villar on Monday, July 20, 2020

Source: Jelai Villar

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: