Sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon noong Martes na posibleng ang pagbubukas ng susunod na school year ay sa darating na Agosto. At magkakaroon rin ng klase tuwing Sabado, ito ay pagkatapos ng COVID-19 pandemic.
Ang pagbubukas ng klase
Sa press briefing, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng mga klase ay maaari pa ring maimpluwensyahan. Ang impluwensyang ito ay manggagaling sa mga desisyon ng Inter-Agency Task Force on emerging Diseases (IATF) at Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung ano ang rekomendasyon ng IATF at desisyon ng pangulo … maaaring makaimpluwensya ito kung kailan magbukas ng klase,” – Briones
Ang Pagkunsulta
Ayon pa kay Sec. Briones, ang mga ahensya ay kumunsulta sa mga opisyal, eksperto sa edukasyon at negosyo sa buong bansa tungkol sa naturang school year. Ito ay nasa ilalim ng batas na dapat ang school year ay magsimula sa pagitan ng Hunyo at Agosto.

“The leaning is August for opening. Whether it’s last week, first week: we’ll see how it goes.”- DepEd Secretary.
Klase tuwing Sabado
Ang mga taga DepEd ay nakatuon sa pagtatapos ng 2020-2021 academic school year sa nakasanayang buwan ng Marso. Ito ay tulad ng mga nakaraang taon, habang sumunod sa kinakailangang bilang ng mga araw ng paaralan. Kaya isinasaalang-alang ng ahensya na magkaroon din ng klase tuwing Sabado.

“Kino-consider namin ang possibility, for example, of Saturday classes, pero hindi iyong mga face-to-face classes. They can do their work at home,”-Briones
Ang kasalukuyan
Ang buong Luzon at ilang mga rehiyon ay nauna ng nag lock down. Ito ay upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. Kaya naantala ang pagbibigay ng mga huling pagsusulit sa mga paaralan. – DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan.
Source: Facebook
Be First to Comment