Press "Enter" to skip to content

Patay Na! Maselang Larawan Ni Kuya, Pinakalat Ng Asawa Ng Girlfriend Niya

Isang lalaki ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang isumbong ang asawa ng kanyang girlfriend. Ipinapakalat kasi umano nito ang mga hubad niyang larawan na ipinadala niya sa asawa nito.

Maseselang larawan

Ayon sa nag rereklamong si Lester Payumo, bigla na lamang umano nag chat ang girlfriend nito na si Irene. Humihingi umano ito ng mga maseselang larawan na agad naman niyang pinagbigyan. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi na pala si Irene ang kanyang ka chat kundi ang asawa nito na si SG Jay Francis Rodil.

Patay Na! Maselang Larawan Ni Kuya, Pinakalat Ng Asawa Ng Girlfriend Niya 2

Wala umano siyang kaalam alam na pinapakalat na ni Rodil ang kanyang mga larawan sa kanyang mga kaibigan. Sinabihan lamang umano siya ni Irene kung kaya nabalitaan niya ito. Kaya naman hindi siya nagdalawang isip na isumbong ito sa programa ni idol Raffy.

Hiwalay kuno

Depensa ni Rodil, hindi naman niya pinakalat sa marami ang mga larawan. Ilan lamang sa kanyang mga kaibigan ang pinasahan niya. Inamin naman niya na layunin niyang ipahiya si Payumo upang makaganti sa pag patol nito sa kanyang asawa.

Patay Na! Maselang Larawan Ni Kuya, Pinakalat Ng Asawa Ng Girlfriend Niya 3

Ayon kay Payumo, alam niyang may asawa na si Irene, subalit ang sabi umano ni Irene ay hiwalay na sila nito kung kaya nagawang niyang pumatol dito. Pinabulaanan naman ni Rodil ang balitang hiwalayan dahil katunayan pa nga ay nagpapadala pa siya ng pera kay Irene.

Pangaral ni idol

Kung sakaling tuluyang kumalat ang mga malalaswang larawan ay maaaring makasuhan si Rodil dahil siya ang nagsimula ng pagpapakalat. Nangako naman si Rodil kay idol Raffy na buburahin na niya ang mga larawan na ito. Tuluyan na rin siyang makikipag hiwalay kay Irene at bahala na umano sina Payumo at Irene sa buhay nila.

Patay Na! Maselang Larawan Ni Kuya, Pinakalat Ng Asawa Ng Girlfriend Niya 4

Pinayuhan naman ni idol Raffy si Payumo na huwag basta basta magpapadala ng mga ganitong uri ng larawan sa kanino man dahil maaari itong gamitin laban sa kanya. Dagdag pa ni idol na huwag papahulog sa bitag ng ilang kababaihan na nagsasabi na hiwalay na ito sa kanilang asawa ngunit hindi naman pala na tulad ng ginawa ni Irene sa kanya.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: