Press "Enter" to skip to content

Patay o Buhay: 5000 Miyembro Edad 130 Nasa Database Pa Din ng PhilHealth

Last updated on August 8, 2020

MANILA, Philippines – Halos 5,000 miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), na nasa 130 taong gulang, ang nananatili pa rin sa database ng ahensya at walang nakakaalam kung sila ay patay o nabubuhay pa.

Kaya pa ba

Ito ang ibinunyag ni Ricardo Morales, pangulo ng PhilHealth nitong Martes bilang pagtatanggol sa information technology (IT) project ng ahensya na ngayon ay nabahiran ng isyu ng katiwalian.

Patay o Buhay: 5000 Miyembro Edad 130 Nasa Database Pa Din ng PhilHealth 2
Source: Daily Tribune

Samantala tinanong naman ni Go si Morales sa pag dinig ng Senado kung kaya pa nito pigilan ang katiwalian.

Ani ni Go,

“Kaya pa ba? Kaya mo pa bang pigilan itong katiwalian?”

IT project ang sagot

Naniniwala si Morales na gamit ang nakaplanong IT program ng ahensya ay makakayanang nilisin ng PhilHealth ang kanilang database at matukoy ang mga aktibo pang miyembro.

Aniya,

“Hindi ho umaabante yung IT System Development program. That’s the main reason. Kasi yun ho ang malaking makakasagot sa issues about corruption. So kung ito at makakakuha tayo ng sapat na budget for IT, maiimplement ito, mare-reduce natin significantly yung ating fraud.”

Patay o Buhay: 5000 Miyembro Edad 130 Nasa Database Pa Din ng PhilHealth 3
Source: GMA NewsTV

Dagdag pa niya,

“Ang ating membership database, we have 109 million members. Pagka meron ho tayong information system may biometrics ho tayo. Hindi ho pwedeng magkamali sa identity ng member. Alam din ho natin kung buhay yung member. For example ho sa ngayon, meron tayong 5,000 members na according to our database ay 130 years old. Hindi ho natin pwedeng matanggal ito kasi kasi wala ho kaming dokumentong nagsasabi na namatay na itong mga taong ito.”

Tunay na isyu

Ngunit ipinunto ni Senate President Vicente Sotto III na ang alegasyon ng korapsyon laban sa ahensya ay nasa procurement nito.

Patay o Buhay: 5000 Miyembro Edad 130 Nasa Database Pa Din ng PhilHealth 4
Source: Yahoo News Philippines

Bilang tugon, narito ang pahayag ni Morales.

“Kung malaki ho ang budget natin, pati procurement ho outsource natin yan. Ang kukunin ho natin mga Google saka Microsoft. Ito ho mga players na ito, hindi ho papayag ito na magkakamali kami.”

Overpricing

Duda si Senador Panfilo Lacson sa paliwanag na ito ni Morales. Sang-ayon ang senador kay Sotto na ang isyu ng korapsyon ay nasa procurement.

Giit ni Lacson,

“Because how can we believe you kung ang overpricing nyo, yung 62,000 pre-presyuhan nyo ng 320,000? Imagine P62, 424 ang overpricing nyo grabe. Kung ginawa nyong P70,000, P75,000 baka magpikit na lang kami ng mata pero P320,000?”

Sina Sotto at Lacson ang nag-udyok sa Senado upang imbestigahan ang kumakalat na anomalya sa PhilHealth, kasama na ang nabalitang overpricing sa information technology project ng ahensya.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: