Press "Enter" to skip to content

Patrol Group Na Nag-iinspeksiyon, Tinekitan Ang Mga Kapwa Nila Pulis

Matapos makakitaan ng paglabag sa RA 4136, tinekitan ng Regional Highway Patrol Group ang kapwa nila pulis sa isinagawang inspeksyon sa mga lumalabas at pumapasok na mga sasakyan sa Camp Efugenio C Navarro na sinimulan nito lamang ika-3 ng Hulyo.

Ang operasyon

Hindi inakala ng ilang mga pulis ang isang nakaantabay na operasyon ng kapwa nila pulis mula sa Regional Highway Patrol Unit Mimaropa para sa mga dumaraan sa Camp Efigenio C Navarro na isa-isang iniinspeksiyon ang mga sasakyan kung may lumalabag nga ba sa mga patakaran.

Ang operasyon ng kapulisan ay isinagawa nitong Hulyo 3 sa Brgy. Suqui sa lungsod.

Patrol Group Na Nag-iinspeksiyon, Tinekitan Ang Mga Kapwa Nila Pulis 2
Photo Credit: Facebook

Base sa pahayag ni PCpt Edgardo Lim, Prov’l Highway Patrol Team Leader, 10 mga pulis ang tinekitan matapos makakitaan ng paglabag sa mga patakarang pantransportasyon.

Ang paglabag

Ang dala-dala ng mga pulis na sasakyan na karamihan ay motorsiklo ay wala raw umanong plaka. Nakasuot pa raw sila ng hindi otorisadong helmet at iba pang mga paglabag na malinaw na sumasaklaw sa pagtaliwas sa nakasaad na batas RA 4136.

Patrol Group Na Nag-iinspeksiyon, Tinekitan Ang Mga Kapwa Nila Pulis 3
Photo Credit: Facebook

Bukod pa rito, sinisiyasat din nila kung dala nga ba ng mga nahuling pulis ang kanilang mga lisensiya at maging ang rehistro ng sasakyan kung sa gayo’y matitiyak kung palso na ang mga ito o sadyang hindi nila dinadala.

Ang pahayag

Ani ni Lim,

“Kaming mga pulis ang dapat maging halimbawa sa pagsunod sa batas ngunit nakakalungkot na kapwa pa namin pulis ang nakitaan ng paglabag”

Patrol Group Na Nag-iinspeksiyon, Tinekitan Ang Mga Kapwa Nila Pulis 4
Photo Credit: Facebook

Gayunpaman, marami pa rin naman daw sa kanilang mga ka-patrolya ang patuloy na sumusunod sa anumang patakaran na labis naman ikinatuwa ng support group ng kapulisan.

Source: Facebook- Dennis Nerbrejo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: