Browse By

Payo Ni Vic Sa Anak, Sikreto Ng Masayang Relationship

Hanggang ngayon ay nasa isip pa rin ni Oyo Boy Sotto ang payo ng kanyang amang si Vic Sotto noong kasal nila ni Kristine Hermosa. Sa virtual press conference ng programang Daddy’s Gurl noong October 19, binalikan ni Oyo Boy ang nasabing payo ng ama.

“Ang pinaka-hindi ko makakalimutan na advice ni Daddy nung wedding naming ni Kristine, sabi niya, ‘ang pinaka-advice na mabibigay ko sa’yo, ‘wag mo lang akong gagayahin. OK ka.”

Oyo Boy Sotto, October 2021

Sineryoso ni Oyo ang advice ng ama

Tinanong mismo ni Oyo Boy si Vic na nasa virtual press conference din, kung naaalala pa nito advice sa kanya noon. Ayon naman kay Vic Sotto ay seryoso at hindi biro ang payo niyang iyon sa kanyang anak.

Inamin naman ni Oyo Boy na sineryoso nga niya ang payo ng ama na huwag niya itong tularan.

Patunay dito ang matibay na pagsasama nila ng asawang si Kristine Hermosa. Kinasal sina Oyo Boy at Kristine noong 2011 at ngayon ay may lima na silang anak na sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, at Vittorio Isaac.

Photo Credit: Kristine Hermosa-Sotto IG Account

Hindi kaila sa publiko na lumaki si Oyo Boy at nakatatandang niyang kapatid na si Danica Sotto-Pingris na hiwalay ang mga magulang na sina Dina Bonnevie at Vic. Kapatid nila sa ama sina Pasig City Mayor Vico Sotto na anak ni Vic kay Coney Reyes, at Paulina Sotto na anak naman ni Vic kay Angela Luz.

Ipinagpapasalamat ang mga pangyayari noon

Sa kabila ng kinalakihang set-up ng pamilya, positibo pa rin si Oyo Boy. Ayon sa kanya ay nagpapasalamat pa rin siya sa mga nangyari sa kanila. Ayon pa kay Oyo Boy, masaya siya sa relasyon nilang mag-ama ngayon.

Sinabi pa ni Oyo Boy na hindi man umabot sa forever ang pagsasama ng kanyang mga magulang ay masaya sila.

“We’re happy na ganito ‘yung kinalabasan, maaring hindi nagkatuluyan ‘yung nanay namin tsaka si daddy pero ang importante masaya kami ngayon kung nasaan kami.”

Oyo Boy Sotto, October 2021

Source: PEP.ph GMA News

Leave a Reply

Your email address will not be published.