Press "Enter" to skip to content

Pemberton, Sinserong Naghayag Ng Simpatya Sa Pamilya Laude

Manila, Philippines – Naki-simpatya si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ni Jennifer Laude matapos ang halos anim na taon na nakalilipas mula nang pinaslang nito ang Pilipinang transgender noong 2014.

Mensahe sa kaanak

Ibinahagi ng abogado ni Pemberton ang kanyang mensahe noong Setyembre 13 kung saan parehong araw na ipina-deport pabalik ng Estados Unidos ang Amerikanong serviceman.

Pemberton, Sinserong Naghayag Ng Simpatya Sa Pamilya Laude 2
Photo Credit: ABS-CBN

Ani ni Atty Rowena Flores,

“Sa pamilya ni Ms. Jennifer Laude, ipinapahayag niya ang kanyang sinserong pakikisimpatya para sa sakit na kanyang Idinulot.”

Bagong buhay sa piitan

Ayon sa liham, nakasaad na ginamit umano ni Pemberton ang kanyang oras habang nakakulong para pag-isipan ang mga maling nagawa tungkol sa gabi nang kanyang pagpatay kay Laude noong Oktubre 11, 2014.

Pemberton, Sinserong Naghayag Ng Simpatya Sa Pamilya Laude 3
Photo Credit: ABS-CBN

Dagdag pa nito,

“Humihiling siya na sana maisalin niya sa mga salita ang kanyang kalungkutan at pagsisisi.”

Noong umaga ng Setyembre 13, nakalaya na si Pemberton mula sa solitary confinement sa Camp Aguinaldo matapos lamang ang limang taon at sampung buwang pagkakakulong.

Pasasalamat

Nagpasalamat din ang Amerikanong sundalo kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paggawad sa kanya ng absolute pardon.

Una ring nabanggit ni Flores na ninais ni Pemberton na makausap ang pamilya Laude dahil sa kagustuhan nitong personal na humingi ng tawad sa kanila. Subalit, tinanggihan ito ng mga awtoridad at sinabing nagkaroon siya ng pagkakataon noong ito ay nakakulong pa.

Samantala, bilang pagtugon sa mensahe ni Pemberton, hiniling naman ng abogado ng pamilya Laude na si Atty. Virgie Suarez ang pagkakaroon ng “peace of mind” ni Pemberton.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: