Press "Enter" to skip to content

Pera Mula Sa Social Amelioration Program, Ginastos Lang Sa Bawal Na Gamot Ng Isang Lalaki

Isang lalaki sa Bacoor, Cavite ang arestado matapos mahulihan na dr0g4. Kinalaunan umamin ang suspek na galing pa sa Social Amelioration Program (SAP) ang perang pinambili niya ng dr0g4.

Ayuda ang pinambili

Nakilala ang suspek bilang si Clark Jerel Navalta. Huwebes ng inaresto siya ng Bacoor Police matapos makitaan na sachet na hinihilang shAbU ang laman. Hindi naman nakatanggi ang suspek at umamin na sa gumagamit nga siya ng droga.

Batay sa salaysay ng suspek, katatanggap lang niya ng pera mula sa SAP. Nagkakahalaga ito ng Php6,500. Dito nanggaling ang pera na pinambili niya ng dr0g4. Depensa niya, hindi naman lahat ng pera ay sa dr0g4 napunta. Halagang P150 lamang ang ginastos niya sa kanyang masamang bisyo.

“Bumili po muna ako ng groceries po tapos kumuha po ng mga halagang P150 lang naman po ‘yon at nag-dr4gs po,” 

Pera Mula Sa Social Amelioration Program, Ginastos Lang Sa Bawal Na Gamot Ng Isang Lalaki 2

Nagawa lamang umano niya iyon dahil kailangan niya ng pampalakas. Ito ay dahil inalok siya ng sideline na trabaho sa isang construction site.

“Kasi may extra po ako sa construction, pinapa-extra po ako dun  sa banda sa amin. Kaya sinubukan ko po na kumuha (ng dr0g4) para magkalakas lang ng konti,” 

Dismayado si mayor

Dismayado naman ang kanilang alkalde sa Bacoor na si Mayor Lani Mercado Revilla sa natanggap na balita. Aniya, dapat tipirin at gamitin sa mabuti ang ayudang natanggap dahil walang nakatitiyak kung hanggang kailan ang itatagal ng quarantine.

Pera Mula Sa Social Amelioration Program, Ginastos Lang Sa Bawal Na Gamot Ng Isang Lalaki 3

“Sa atin pong mga kababayan na nakatanggap na po ng P6,500 na ayuda mula po sa SAP, spend it wisely. Huwag po nating gamitin ito sa bisyo, tipirin po natin ito dahil hindi po natin alam kung hanggan kailan po itong enhaced community quarantine,” payo ni Mayor Lani

Banta ng Pangulo

Matatandaang kamakailan lang ay nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pasaway na mamamayan. Aniya, hindi na bibigyan ng anumang tulong ang sino man mapapatunayan na lumalabag sa ECQ protocol.

Pera Mula Sa Social Amelioration Program, Ginastos Lang Sa Bawal Na Gamot Ng Isang Lalaki 4

Panawagan ng Pangulo, makiisa at sumunod sa anumang tuntunin ng pamahalaan upang mapadali ang paglaban sa COVID-19. Disiplina ang susi upang malabanan ang nakamamatay na virus. 

GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: