Press "Enter" to skip to content

Philippine Arena, Malapit Ng Buksan Para Maging Quarantine Facility

Ang malawak na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay mahigit 80% nang handa para sa pagtanggap ng mga pasyenteng may COVID-19. Ito ang pahayag ni DPWH Secretary Mark Villar nitong Martes lang.

Pahayag ni Sec. Villar

“May mga tatapusin today, at bukas ang final inspection. 80% na siya, electrical works na lang, and installation ng WiFi ng Smart,” ang sabi ni Secretary Villar sa isang interview. Inaasahan nga na maari ng magamit ang arena pagdating ng Linggo.

Philippine Arena, Malapit Ng Buksan Para Maging Quarantine Facility 1
Photo credits: INQUIRER.NET

Gagawing quarantine facility ang Philippine Arena na pwedeng tumanggap ng 300 na pasyente. Ang mangangasiwa rito ay ang mga medical professionals na galing sa hanay ng pulis at militar.

“May mga doctor and nurses rin po from Armed Forces and the police, at kailangan po talaga sila para mabuo ang work force,” dagdag pa ni Villar.

Ibang quarantine facility

Maliban sa Philippine Arena, may iba pang mga gusali na gagawin ding quarantine facilities kagaya ng World Trade Center at Philippine International Convention Center sa Pasay. Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, Philsports Arena sa Pasig at Asean Convention Center sa New Clark City.

Philippine Arena, Malapit Ng Buksan Para Maging Quarantine Facility 2
Photo credits: ABS-CBN NEWS

Sa kabuuan, magkakaroon ng mahigit 2,386 na hospital beds ang mga nasabing pasilidad.

ECQ sa Luzon

Ang Luzon ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) mula March 16 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Mula noon, bawal nang bumyahe ng mga pampublikong sasakyan. Bawal na rin ang mga pagtitipon at nahinto ang mga trabaho sa iba’t ibang industriya.

Philippine Arena, Malapit Ng Buksan Para Maging Quarantine Facility 3
Photo credits: ABS-CBN NEWS

Nakatakda sana itong magtapos noong Abril 12, pero pinalawak pa ito ng pamahalaan hanggang Abril 30. Ito ay para magkaroon ng sapat na panahon na matapos ang mga quarantine facilities at madagdagan ang mga ginagawang testing. Inaasahan na matatapos ang ECQ sa May 15.

Ang pag gamit sa mga pasilidad na ito ay magbibigay daan sa mas malawak na testing at mas maayos na paghihiwalay ng mga nagpositibo sa COVID-19. Isang paraan para maiwasang kumalat pa ang virus. Magiging tuluyan din ito ng mga OFW na umuuwi at kailangang mag quarantine.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: