Press "Enter" to skip to content

Philippine Army, Hangad Ang ‘Guilty Verdict’ Sa Mga Pulis Na Sangkot Sa Sulu Encounter

Inaasahan ng Philippine Army na mahatulan ng guilty verdict ang siyam na pulis na sangkot sa ‘Jolo Encounter.’ Matatandaang apat na sundalo ang nawalan ng buhay matapos ang engkwentro.

Hustisya

Sa isang pahayag ni Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay ukol sa pagsasampa ng National Bureau of Investigation ng kasong mUrd3r at pagtatanim ng ebidensya ng siyam na pulis,

Philippine Army, Hangad Ang ‘Guilty Verdict’ Sa Mga Pulis Na Sangkot Sa Sulu Encounter 2
Photo Source: www.army.mil.ph

“This is proof that their cry for justice is being heard, and we are confident that we will secure conviction against the perpetrators of this heinous crime,”

Ayon dito, ang pag-usad ng kaso na ito ay hindi lamang para sa Philippine Army bagkus ay para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

Engkwentro

Matatandaang apat na army intelligence ang pinagb4b4b4ril malapit sa Jolo Police Station, ika-29 ng Hunyo. Nagpakilala ang mga biktima bilang Army officers sa mga pulis na sumita at nanghingi ng identification nila. Ngunit ang mga biktimang hindi naman armado ay walang awang pin4gb4b4ril.

Philippine Army, Hangad Ang ‘Guilty Verdict’ Sa Mga Pulis Na Sangkot Sa Sulu Encounter 3

Sa spot report na inihayag ng PNP, nagkaroon umano ng car chase at naunang magpaputok ang ang mga army officer, dahilan upang dumepensa ang mga pulis na sangkot sa krim3n.

Ang siyam na pulis na sangkot sa kaso ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Headquarters Support Service sa Camp Crame, Quezon City.

Nalalapit na hustisya

Ikinatuwa naman ng Armed Forces of the Philippines ang mabilis na pag-usad ng kaso para sa kanilang kabaro. Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo,

Philippine Army, Hangad Ang ‘Guilty Verdict’ Sa Mga Pulis Na Sangkot Sa Sulu Encounter 4
Photo Source: INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

“We are comforted to note that the first step towards the quest for justice in favor of the four slain Philippine Army soldiers was attained,”

Sa kasalukuyan, ang AFP leadership sa ilalim ni General Felimon Santos, Jr. ang tututok sa kasong ito mula sa pagsasampa ng kaso, pagproseso, hanggang sa pagrender ng hustisya.

Ikinalungkot

Matatandaang lubos na ikinalungkot ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nangyaring engkwentro sa gitna ng mga pulis at kasundaluhan. Hangad nito na mabigyan ng hustisya ang nangyaring engkwentro.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: