Press "Enter" to skip to content

PHP13-Milyon Na Halaga Ng Droga, Nasabat, 2 Suspek Huli Sa Checkpoint

Clark, Pampanga – 2 lalaki ang nahuli matapos maharang sa isang checkpoint sa Clark. Nahuli sa dalawang suspek ang halos Php13-milyon ng ipinagbabawal na gamot.

Puting van nakipaghabulan pa

Pinara umano ng mga operatiba ang kaduda-dudang puting Nissan van na may plakang CAO 5719 sa isang checkpoint sa Clark bagkos hindi ito huminto at dumirediretcho. Hinabol ng mga operatiba ang van hanggang sa sumuko at mahuli sina Morgano Manalastas ng A. Santos St. at Ronald Miranda ng Diamond St., parehas na taga Barangay Balibago, Angeles City.

PHP13-Milyon Na Halaga Ng Droga, Nasabat, 2 Suspek Huli Sa Checkpoint 2
Photo Credit: Facebook – Brigada News FM 92.7 Pampanga

Ayon sa ulat, dakong alas-9 ng umaga nang magsagawa ang operasyon ang 3rd Platoon Polar Base at 302nd Maneuver Company of the Regional Mobile Force Battalion (RMFB3) at Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA). Sinasabi na matagal nang sinusubaybayan ang supek dahil na din sa kanilang kaduda-dudang mga galaw.

PHP13-Milyon Na Halaga Ng Droga, Nasabat, 2 Suspek Huli Sa Checkpoint 3
Photo Credit: Facebook – Brigada News FM 92.7 Pampanga

Milyones na droga

Matapos ang habulan ay sumuko ang mga suspek. Dito nadiskubre ng mga operatiba ang tinatayang halos php13-milyon ng dried marijuana leaves na nakabalot at tinatayang nasa 113 kilos ang kanilang nasabat.

PHP13-Milyon Na Halaga Ng Droga, Nasabat, 2 Suspek Huli Sa Checkpoint 4
Photo Credit: Facebook – Brigada News FM 92.7 Pampanga

Sinampahan na ng kasong Section 11, Article II of Republic Act 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Kasalukuyang iniimbestigahan ngayon ng PDEA kung saan at paanong nakalusot ang ganitong kalaki na shipment sa bayan ng Pampanga.

Panoorin ang video ng buy-bust:

TINGNAN ang isinasagawa ng imbentaryo ng pulisya sa isang van na puno ng bricks ng marijuana sa Clark Freeport zone.

Posted by Brigada News FM 92.7 Pampanga on Saturday, August 8, 2020
Video Credit: Facebook – Brigada News FM 92.7 Pampanga

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: