Press "Enter" to skip to content

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger

Manila Philippines – Pinag mumura at kung anu-ano pang masasakit na salita ang binitawan ng isang vlogger na si Maharlika kaugnay sa pag papahayag nila Catriona Gray at Pia Wurtzbach ng kanilang mga saloobin patungkol sa issue ng Anti-Terror Bill.

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger 2
Photo Credits: Missosology

Kamakailan lamang ay umusbong sa social media ang #JunkTerrorBillNow issue at nagkaroon ng kanya-kanyang palitan ng saloobin at kuro-kuro ang mga netizens. Marami ring mga artista at sikat na personalities ang nagpahayag ng kanilang mga pananaw at saloobin tungkol sa batas na ito at kabilang na dito ang dalawang beauty queen.

Paghihimutok ni Maharlika

Ikinagagalit ni Maharlika ang hindi pag suporta ng mga ito sa Anti Terrorism Bill at pag gamit ng mga ito sa hashtag na #JunkTerrorBill sa kanilang mga social media posts.

Pahayag ni Maharlika sa kaniyang vlog ay tila hindi nag iisip o hindi pinag iisipan ng dalawang beauty queen ang kanilang mga sinasabi at mga pinopost online.

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger 3
Photo Credits: Agot Isidro

Ani ni Maharlika,

“Yan kayong dalawang mga hunghang na mga beauty queen ‘di ba? Sayang naman ang ganda ninyo at hindi ninyo pinag aaralan ang bawat bukas ng bibig ninyo. Hindi ninyo ginagamit ang utak niyo.”

Dagdag pa ni Maharlika ay mga walang kuwenta raw na representante ng Pilipinas ang dalawa dahil pinoprotektahan daw umano ng mga ito ang mali at tila ayaw daw ng mga ito na makontrol ang terorismo sa bansa.

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger 4
Photo Credits: Pia Alonzo Wurtzbach

Tinawag pa ni Maharlika sina Pia at Catriona na ‘bugok’ at minura ang mga ito dahil kahit pa raw english ang isulat ng mga ito ay wala raw substance. Nilait pa nito si Pia Wurtzbach dahil para raw sa kanya ay hindi ito ang depenisyon ng kagandahan at kapag wala na raw itong make up ay makikita na ang tunay na kulay.

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger 5
Photo Credits: Catriona Gray

“Ako po personally hindi ako into beauty contest kasi maraming beauty queens ang bulok ang pagkatao.”

Dagdag pa nito.

Karanasan ni Maharlika sa mga terorista

Nagkuwento rin si Maharlika sa kanyang vlog ng mga ilang karanasan nito na siya mismo ang nakasaksi sa panununog ng mga rebeldeng grupo sa mga delivery truck na may mga lamang soft drinks at bigas at ninanakaw umano ito ng mga rebelde. Pati na rin ang mga batang babae na dinudukot at ginagawang sex slave ng mga rebelde.

Pia At Catriona, Pinagmumura Ng Isang Vlogger 6
Photo Credits: Maharlika

Isa raw ito sa mga dahilan kung bakit masugid ang pag suporta niya na mapirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing house bill. Dahil mas makokontrol daw ng gobyerno ang mga masasamang gawain ng mga terorista dahil sa batas na ito.

Ang interpretasyon ni Maharlika

Ayon kay Maharlika ang interpretasyon niya daw sa pag gamit nila Catriona at Pia ng #JunkTerrorBill ay ang pagprotekta ng dalawang ito sa mga terorista.

Aniya,

“Ito’y interpretasyon natin ‘di ba? Eh ano pa ba ang interpret natin dito? Ayaw po nilang maparusahan ang mga sumisira o yung mga terorista.”

Source: Kapamilya Kingdom

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: