Press "Enter" to skip to content

Pilipinas, Nangunguna Sa ‘Send Your Name To Mars’ Na Proyekto Ng NASA

Sa higit isang milyong mga pangalang isinumite, pinangungunahan ng Pilipinas ang bansang may pinakamaraming bilang ng mga nag-sign up para sa programang “Send your name to Mars” ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Pilipinas, umaarangkada

Nito lamang 8:50 PM ng ika-1 ng Agosto, ang NASA ay nakatanggap ng 1,913 ,626 na mga pangalan na isinumite mula sa Pilipinas.

Pilipinas, Nangunguna Sa ‘Send Your Name To Mars' Na Proyekto Ng NASA 2

Ang Pilipinas ay sinundan ng United States na may 162,071 na pangalan, at ang India na may 145, 758. Ang kabuuang bilang naman ng mga nagpadala ng pangalan na natanggap ng NASA ay umabot na sa 3,045,930.

Biyaheng Mars

Ang proyektong “Send your name to Mars” ng NASA ay nagpapahintulot sa mga indibidwal sa buong mundo na lumipad ang kanilang mga pangalan sa darating na misyon sa tinatawag na Red Planet.

Pilipinas, Nangunguna Sa ‘Send Your Name To Mars' Na Proyekto Ng NASA 3

Sa mga nais magpadala ng kanilang pangalan sa Red Planet sa Hulyo, taong 2026, maaari kang mag-sign up sa mars.nasa.gov/participate/send-your-name/future.

Robotic explorer

Ang pinaka-kasalukuyang misyon sa Mars ay ang Perseverance Rover, inilunsad nitong ika-30 ng Hulyo, mula sa Cape Canaveral Air Force Station sa US, na may 10.9 milyong mga pangalang sakay. Inaasahan na makapupunta ito sa planeta sa susunod na taon, ika-18 ng Pebrero. Ang Perseverance Rover ay isa sa bahagi ng pangmatagalang robotic explorer program ng NASA sa Mars.

Pahayag ng NASA,

“The mission addresses high-priority science goals for Mars exploration, including key questions about the potential for life on Mars,”

Ayon sa NASA, ang Perseverance Rover ay maaaring kumuha ng mga sample na bato at lupa na itatabi sa isang ‘cache’ sa ibabaw ng Mars.”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: