Press "Enter" to skip to content

‘Pinaka-Bb0 Sa Lahat Ng Bb0! SK Kagawad Na Nambully Sa Isang Kabataan, Basag Kay Idol Raffy

Isang lalaki ang nagsumbong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pagiging biktima ng bullying sa kanilang lugar. Ang promotor, mismong SK kagawad pa ng kanilang barangay kasama ang mga ka-grupo nito.

Bully na SK kagawad

Ayon sa sumbong ni Mark Anthony Plotado, isang residente ng Barangay Culiat sa Quezon City, grabe ang sakit ng kanyang kalooban ng malaman niyang ginagawa siyang katatawanan ni SK Christine Solen Saya-Ang sampu ng kanyang mga kasamahan sa social media.

‘Pinaka-Bb0 Sa Lahat Ng Bb0! SK Kagawad Na Nambully Sa Isang Kabataan, Basag Kay Idol Raffy 2

Sumbong ni Mark, in-edit ng kasamahan ni Christine ang kanyang larawan at ginawang larawan ng baboy ang ibabang bahagi nito. Sa kanilang group chat na ginawa umano para sa mga kabataang volunteer, pinagtatawanan siya ng mga ito. Maging ang larawan niya na ginagamit para sa trabaho niya ay binaboy din ng mga ito.

Nagbanta umano si Mark na magsusumbong siya kay idol Raffy ngunit tinawanan lamang siya ng mga ito. Sinabihan siya umano ni Christine na huwag siyang isusumbong dahil may iniingatan itong pangalan.

Pangangatwiran ng SK kagawad

Dahil dito, galit na galit si idol Raffy sa nasabing SK kagawad. Imbes na maging mabuting ehemplo sa ibang kabataan siya pa nagpasimuno ng pambubully sa iba. Ayon kay idol, hindi dapat kinukunsinti ang bullying dahil malaki ang epekto nito sa isipan ng biktima. Maaari itong maging mitsa ng pagpapakamatay kung hindi maaagapan.

‘Pinaka-Bb0 Sa Lahat Ng Bb0! SK Kagawad Na Nambully Sa Isang Kabataan, Basag Kay Idol Raffy 3

Depensa ni Christine, hindi siya ang nag edit at nagpost sa social media ng larawan ni Mark. Ang mga kasamahan umano niya ang gumawa nito na karamihan ay mga lalaki kaya sadyang mapagbiro.

Sumbat pa niya, ilang beses na niyang natulungan si Mark sa iba’t-ibang mga bagay. Ang tanging kasalanan umano niya ay hindi niya inawat ang mga ito. Komunsulta rin umano siya sa isang abogado at sinabihan siyang wala siyang paglabag na ginawa laban kay Mark.

Galit ni idol Raffy

Dahil dito, lalong nagalit si idol Raffy kay Christine. Sino umanong bbng abogado ang nagpayo sa kanya ng ganito. Ito umano ang pinaka-bob* sa lahat ng bob*. Hindi dapat magpatuloy ang ganitong gawain dahil marami na ang nagiging biktima ng bullying.

‘Pinaka-Bb0 Sa Lahat Ng Bb0! SK Kagawad Na Nambully Sa Isang Kabataan, Basag Kay Idol Raffy 4

Tinawagan ni idol Raffy ang kanilang kapitan na si Chairman Vic Bernardo upang idulog ang nasabing sumbong ni Mark. Ayon sa kapitan ay nakarating na umano ang issue sa kanya kung kaya kinausap na niya si Christine ukol dito. Ipapatawag din ang magkabilang panig upang pag-ayusin ang mga ito.

Kung mapapatunayan na nagkasala si Christine, papatawan ito ng nararapat na parusa. Sinabihan din ni idol Raffy si Christine na larawan nalang niya ang iedit at pagmukhaing baboy at ipost sa social media upang mapagtawanan at huwag idamay ang kawawang si Mark.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: