Press "Enter" to skip to content

Pinakabatang Nakaligtas Mula Sa COVID-19, Pumanaw Na!

Pumanaw na ang sanggol na si Kobe Manjares, sa sakit na Covid-19 matapos itong magkaroon ng impeksyon sa dugo.

Pinaka batang biktima ng Covid

Matatandaang, ilang araw pa lamang na isinilang ang sanggol na si Kobe ng siyay nag positibo sa nakamamatay na virus na Covid-19.

Ayon sa mga magulang, mula ng isilang ito ay may napansin na sila sa pangangatawan ng sanggol, kung kaya ay nag desisyon silang dalhin ito sa National Children’s Hospital sa Quezon City.

Pinakabatang Nakaligtas Mula Sa COVID-19, Pumanaw Na! 2
Photo Credit: GMA News

Naging inspirasyon pa nga ng marami ang paggaling ng sanggol na si kobe. Halos labing isang araw rin na nakipaglaban ang bata sa nakamamatay na virus.

Bagamat gumanda na ang kalagayan nito kiailangan siya na ilipat ksa ospital ng Muntinlupa upang iquarantine at hintayin ang iba pang test results.

Baby Kobe

Nito lamang Mayo ay ibinalik ng mga magulang ang bata sa kadahilanang napansin nilang lumalaki ang tiyan nito at ilang araw ng hindi na dumudumi. Nagkaroon rin ito ng sakit sa dugo at bumaba ang sugar level ayon sa ama nitong si Ronnel.

Pinakabatang Nakaligtas Mula Sa COVID-19, Pumanaw Na! 3
Photo Credit:Rappler

Ani ng ama,

“Nakausap ko yung doktor kagabi, at sabi tutubuhan siya. Pagkatapos, sinabi wala na. Sabi ng doktor namatay ang bata dakong ala 1 ng umaga.

Problema sa burol

Ayon kay Ronnel na isang construction worker, kailangan pa niyang maghanap ng masasakyan mula Alabang papuntang Quezon City para makuha lamang ang labi ng kanyang sanggol sa ospital.

“Hindi ko po alam yung gagawin ko kagabi. Gusto ko ho sanang pumunta, wala rin po akong masasakyan.”

Pinakabatang Nakaligtas Mula Sa COVID-19, Pumanaw Na! 4
Photo Credit:Xierdumz.tv

Dagdag pa ni Manjares, wala umano siyang panggastos para sa burol ng kaniyang sanggol. Namatay ang bata at hindi ito inabutang pang buhay ng kanyang ama sa kadahilanang hirap siyang makahanap ng bumabyaheng sasakyan.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: