Press "Enter" to skip to content

Pinauwi Na Mga OFW’s, Binatikos Ng Mga Netizens

Bulacan, Philippines – Tinatayang halos 151 na OFW and pinauwi noong Hunyo 20, 2020 mula sa Heal as One Center-Philippine Arena sa Bulacan. Sila ay pinauwi matapos mag-negative sa mga test para sa COVID-19.

Send-off

Dumalo si Health Secretary Francisco Duque III sa ceremony bilang pagpupunyagi at pagpapauwi sa mga OFW na labis nang nalulumbay sa pagkaka-quarantine. Dumalo rin sa ceremony sila BCDA President at CEO Vince Dizon, BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., at OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.

Pinauwi Na Mga OFW's, Binatikos Ng Mga Netizens 2

Kasama sa mga dumalo sa pagpapa-uwi sa mga OFW ay ang ating mga magigiting na frontliners na walang sawang tumulong at umasikaso sa kanila upang mapanatiling nasa kaayusan ang lahat. Ang mga OFW ay napa-uwi matapos maklaro at nabigyan ng health certification mula sa Bureau of Quarantine.

OFW’s

Ang mga ating kababayang napauwi ay mga seafarers at land-based na mga manggagawa mula Jeddah, Kuwait, Dubai, at United Kingdom. Sinigurado ng mga kawani ng gobyerno na naisaayos ang transportasyon para sa pagpapa-uwi sa ating mga OFW ng ligtas at mapayapa.

Pinauwi Na Mga OFW's, Binatikos Ng Mga Netizens 3

Maraming kapamilya ng mga OFW’s ang labis na natuwa ng malaman nilang mapapa-uwi na ang kanilang mga mahal sa buhay. Karamihan sa kanila ay sinundo pa labis na pagka-walay sa kani-kanilang kapamilya at nag di natiis ang pagkakataong makita silang muli.

Reaksiyon

Ilang mga netizens ang nababahala sa naging desisyon na pauwiin ang mga nasabing OFW’s. Sa kadahilanang sila’y mga COVID survivors, at magkakaroon ng mas malaki ang tsansa na bumalik muli ang virus sa kanila at mas madaming mahawa dahil sila’y pinayagan nang makauwi.

Pinauwi Na Mga OFW's, Binatikos Ng Mga Netizens 4

Ilang netizens din ang natuwa sa mga pangyayari at napa-uwi sa ating mga kababayan. Kung maalala nung nakaraan ay marami mga OFW ang sobrang nalulungkot at nagkaka-depresyon sa kagustuhan nang maka-uwi sa kani-kanilang pamilya.

Maayos na Pasilidad

Ang pagbubukas sa Philippine Arena sa Bulacan at pagsasa-ayos neto ang nagbigay daan upang mas napa-igting ang pag-testing at pag-quarantine sa ating mga kababayan. Isa ito sa pinaka-epetibo na naging desisyon at pagkaka-satuparan ng gobyerno.

Pinauwi Na Mga OFW's, Binatikos Ng Mga Netizens 5

Ani ni Duque,

“Natutuwa tayo na makakauwi na ang ating mga OFWs sa kani-kanilang pamilya, at pagkatapos nga ng mga pagsubok na dinaanan nila, sila ngayon ay negatibo na sa COVID.”

Dagdag pa niya,

“Saludo din po kami sa ating mga medical frontliners na siniguro ang mabilis na paggaling ng ating mga kababayan.”

Pinauwi Na Mga OFW's, Binatikos Ng Mga Netizens 6

Sinabi din ni COVID-19 deputy chief implementer Secretary Vince Dizon,

“Nagpapasalamat tayo sa kanilang kooperasyon at pagsunod sa mga protocols ng gobyerno dahil hangad lamang natin ay ligtas silang makakabalik sa kanilang mga tahanan.”

Tunghayan ang naturang kwento as GMA NEWS ONLINE

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: