Press "Enter" to skip to content

Pinay DH Sa Riyadh, Sinasabunutan, Sinasampal, At Binuhusan Ng Kumukulong Tubig Ng Amo!

Isang netizen ang nagpost ng panawagan na makahingi ng tulong para sa kanyang pinsan na isang domestic helper sa bansang Saudi Arabia.

Pinagmamalupitan

Ayon sa post ni Muding Akdam Bada, tumawag sakanya ang kanyang pinsan upang makahingi nb tulong mula sa pagmamalupit ng mga amo nito. Ngayong buwan ay nakatakdang matapos ang kontrata nito mula sa mga malulupit na amo. Ang kanyang among babae ay palagi itong sinasaktan. Sinasabutan ito at nginungudngod ang mukha sa semento. Liban pa diyan, noong nakaraang araw ay binuhusan ito ng mainit na tubig.

Pinay DH Sa Riyadh, Sinasabunutan, Sinasampal, At Binuhusan Ng Kumukulong Tubig Ng Amo! 2

“Finish contract na po sya sa ngaun buwan… Palagi po siya sinasakatan ng kanyang among babae, hinahawakan po sa buhok at minumodmod ang mukha nya sa semento at hindi lang yun isang araw binuhusan po siya ng maiinit na tubig.”

Rescue

Ang panawagan ng netizen ay matulungan ni Idol Raffy Tulfo na marescue ang kanyang pinsan. May mga katibayan ito ukol sa pananakit ng amo ng kanyang pinsan. Ayon pa, nareport na nila sa OWWA ang pangyayari at pinalad na mabilhan ng ticket kinabukasan. At dahil kailangan na mswab test, dumaan ito sa proseso. Gayunman, sinabi ng among lalaki nito na positibo ito sa virus kaya naman hindi ito pinayagan na makaalis.

“na report din namin sa owwa ang pang yayari kamakailan tapos po sir RAFFY binilihan na cya ng ticket ng kina bukasan mag flight na po cya pina SWABTEST po sya sabi ng among lalaki positive po sa covid at hindi matuloy ang flight,”

Pinigilan ang paguwi

Pinaghome quarantine ang kaawa-awang Pinay DH sa lumang kusina ng kanyang amo na syang naging kwarto nito sa loob ng dalawang taon na pagsisilbi sa mga ito. Liban sa walang kagamitan doon, wala din itong natatanggap na medisina para malunasan ang pagkapositibo nito sa virus.

“pina SWABTEST po sya sabi ng among lalaki positive po sa covid at hindi matuloy ang flight, na home Quarantine po sya dun sya nakatira sa lomang kusina at yon po ang kuwarto nya sa loob ng dalawang taon walang kagamit gamit, ngaun andun po sya walang treatment medicine sa sakit na sinasabi”

Nang manghingi umano ang kanyang pinsan ng gamot, sinampal ito ng kanyang amo sa labi hanggang ito ay dumugo. Nasakanya aniya ang address at lahat ng impormasyon ng pagkakakilanlan ng kanyang pinsan.

“..sabi nag hingi po sya sinampal ng among nyang babae ang labi nya hanggang sa dumugo, sir Raffy inaasahan po namin na mapaalis sya sa bahay ng kanyang amo kung kailangan po ng adress nasakin po lahat binigay nasa RIYADH po siya.”

Panalangin at tulong ng netizens

Maraming netizens ang nagpabatid ng suporta sa post ni Muding. Anila ay sana agad na mapansin ng programa ni Raffy Tulfo upang marescue ang OFW sa lalong madaling panahon mula sa pagmamalupit ng mga amo.

Source: Muding Akdam Bada

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: