Browse By

Pinay Journalist, Ginawaran Ng Nobel Peace Prize

Ginawaran kamakailan ang Filipina journalist na si Maria Ressa ng Nobel Peace Prize para sa taong 2021. Ang naturang parangal ay bilang pagkilala sa kaniyang mga gawain upang mapangalagaan ang freedom of expression sa bansa.

Kasama niyang nagwagi ang isa pang journalist na si Dmitry Muratov ng bansang Russia. Inilabas ang mga pangalan ng mga ginawaran ng 2021 Nobel Peace Prize sa pamamagitan ng isang press confrerence ni Berit Reiss-Andersen, Chair ng Norwegian Nobel Committee.

Sa pahayag ni Reiss-Andersen, kanyang sinabi na ang “Free, independent and fact-based journalism serves to protect against abuse of power, lies and war propaganda.” Idinagdag pa niya na “Without freedom of expression and freedom of the press, it will be difficult to successfully promote fraternity between nations, disarmament and a better world order to succeed in our time.”

https://www.aljazeera.com/wp-content/uploads/2021/10/000_9PC46G.jpg?resize=770%2C513
Photo Credits: Al Jazeera

Kauna-unahang Nobel Prize ng bansa

Ang parangal na natanggap ni Ressa ay kauna-unahang Nobel na natanggap ng kahit sinong Pilipino. Nagsimula ang pagbibigay ng Nobel Prize noong taong 1901 at may anim na kategoriya: Physics, Chemistry, Physiology or Medicine, Literature, Peace, at Economic Sciences.

Ang Nobel Prize ay iginagawad lamang sa mga taong may mga ginawang bagay na nagdulot ng pinakamalaking pakinabang sa sangkatauhan.

Kabilang sa mga tanyag na taong nakatanggap ng Nobel Peace Prize ay sina Martin Luther King at Mother Theresa.

Photo credits: Getty Images

35 taon sa journalism

Itinatag ni Maria Ressa ang Rappler kasama pa ang tatlong manunulat noong taong 2012. Ang Rappler ay itinuturing na isang watchdog news agency.

Anim na taon din niyang pinamunuan ang news division ng ABS-CBN pagkatapos ng dalawampung taong karanasan bilang lead investigative reporter ng CNN sa Souhteast Asia.

Iba pang parangal

Si Maria ay itinanghal ng TIME Magazine bilang Person of the Year taong 2018. Isa din siya sa 100 Most Influential People of the World noong 2019 sa nabanggit din na magazine at napasama din sa 100 Women list ng BBC (British Broadcasting Corporation) sa kaparehong taon.

Source: PEP.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.