Press "Enter" to skip to content

Pinay OFW Na Nagpositibo Sa COVID-19, Imbes Ipa-ospital Ay Itinaboy Pa Sa Kanilang Tinutuluyan

Isang pinay Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpositibo sa COVID-19, imbes tulungan na ipa-hospital ay ipinagtabuyan pa ito sa kanyang tinutuluyan. Ang litrato ng pinay ofw na ito ay kumakalat ngayon sa social media.

Ang pinay

June, 9- Si Juvy Labas ang pinay OFW na nakuhanan ng larawan kung saan ito ay nasa gilid ng kalsada sa Exit 34, Riyadh KSA noong ika-5 ng Hunyo.

Ang Pinay- OFW
Photo Credit: Facebook

Ayon sa post si Juvy ay nagpositibo diumano sa sakit na COVID-19 kaya ito ay pinaalis ng kanyang amo na isang samama na kanyang pinagtatrabahuan. Sa larawang ito ni Juvy ay makikita na simula umaga ay nasa labas na ito ng kalsada hanggang sa magdilim at doon na sa kalsada natutulog dala ang kanyang mga gamit na nakabalot lang sa plastic.

Galit ng kapwa Pinay

Sa nangyari ay galit na galit ang ilan sa mga kaibigan ni Juvy na kapwa din pinay at nagtatrabaho malapit dito nang malaman ang sinapit nito, dahil bukod sa nag-positibo na ito ay nagawa pang siraan diumano ito ng kanyang katrabaho at imbes na ipa-ospital ay nagawa itong palayasin sa kanyang tinutuluyang trabaho.

Galit Ng Kapwa- OFW
Photo Credit: Facebook

Samantala nais man tulungan kupkupin ito ng mga kaibigan ay hindi magawa, dahil sa kondisyon nito. Kaya ang ilan sa mga ito ay sinubukan na lamang iparating ang sitwasyon nito sa embahada ng Pilipinas upang ito ay masaklolohan.

Ang litrato

Sa ngayon ang litratong ito ni Juvy na inupload sa facebook ay umaani ng iba’t-ibang kumento, ang ilan ay nagsabing dapat ay irekalmo diumano ang amo na kanyang pinagsisilbihan dahil pinabayaan ito sa kanyang sitwasyon.

Ang Litrato- OFW
Photo Credit: Facebook

Habang ang ilan naman ay sinasabing walang hiya ang mga samama ng nasabing bansa, dahil hindi man lang ginawan ng aksyon ang nangyari ito sa nasabing pinay. Sa ngayon ay hindi pa alam kung ano na ang kalagayan ni Juvy, umaasa naman ang ilan sa mga kaibigan nito na sana ang mga litratong ito ay makarating sa kinauukulan upang ito ay agad matulungan.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin lamang ang Pinasbalita.org

Source: JUANTV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: