Press "Enter" to skip to content

Pinay OFW Sa Dubai, Nananawagan Ng Tulong Matapos Saktan At Pagbantaan ng Kapwa Pinay

Last updated on June 9, 2020

Isang OFW sa Dubai ang humihingi ngayon ng tulong na mapaabot sa kinauukulan ang pananakit at death threat ng isa ding pinay na OFW dala ng murahan sa chat at matagal na nilang alitan.

Warfreak Sa Kapwa Pinoy

Ayon sa social media post ng biktimang si MJ Totoan, isang taon na siyang umiiwas kay Raquel (pangalan ng nanakit sa kanya) ngunit nabuyo siya nito nang murahin ang fiance niya sa kanilang group chat. Aniya, hindi nito dapat minasama pag-iimbita ng kasintahan niya sa live-in partner ni Racquel dahil matalik naman ang dalawa na magkaibigan.

Ang ginawang pagsita ni MJ kay Racquel ng sila ay magkita ay nauwi sa physical assault nito sa kanya. Inamin naman niya sa parehong post na siya ang unang lumapit ngunit nilinaw na dinuro siya nito habang sinasabihan siya na mumurahin nya ang lahat ng gusto niyang murahin.

Pinay OFW Sa Dubai, Nananawagan Ng Tulong Matapos Saktan At Pagbantaan ng Kapwa Pinay 2
Photo Credits: MJ Totoan

Sa kanyang galit ay dinuro din niya ito kaya gumanti na ito at una siyang sinabunutan, sinampal at sinuntok. Inamin naman niya na siya ay gumanti din ng pananakit pero ito ay upang depensahan lang ang kanyang sarili.

Kalmot sa mukha at black eye sa kanang mata ang inuwi ni Totoan pero hindi pa dito natapos ang panghahamak sa kanya.

Death threat At Pambubully sa Chat

Sa isang series of photos na kalakip ng kanyang post, ipinakita ng biktima ang mga screenshot ng chat ni Racquel gamit ang isang dummy account sa pangalan na Miguel Tolentino. Ipinadala ang mga ito matapos ang insidente kung saan inamin nito na dati na siyang nakulong at walang kinatatakutan kaya naghahamon muli na magkita sila sabay ang pagbabanta na “dedbol ka”.

Pinay OFW Sa Dubai, Nananawagan Ng Tulong Matapos Saktan At Pagbantaan ng Kapwa Pinay 3
Photo Credits: MJ Totoan

Ang nasabing chat ang nagtulak kay MJ na magpost dahil na din sa takot niya na may mangyaring masama sa kanya. Ikinabahala nya din ang pagbanggit nito na isa daw itong asset at dati nang nakulong kaya hindi ito natatakot sa kanya.

I-Report Sa Pulis Wag Sa Social Media

Samantala, hati naman ang opiniyon ng mga netizen sa social media. Ang ilan at nagsasabing hinid na dapat pa ipinopost ang mga ganitong away at isinusuplong na agad sa pulis.

Isa pa sa mga screenshot na ibinida niya ay ang pag under estimate ng kaaway sa mga awtoridad ng Dubai. Sa larawan ay makikitang sinabi nito na dapat ay bayaran pa ni Totoan ang mga pulis upang pansinin ang kanyang kaso.

Pinay OFW Sa Dubai, Nananawagan Ng Tulong Matapos Saktan At Pagbantaan ng Kapwa Pinay 4
Photo Credits: MJ Totoan

Todo naman ang suporta ng ilan na tutol sa Cyberbullying at pamimisikal ng Pinay habang ang iba naman ay nagpahayag ng dismaya dahil parehong pinoy ang siyang nag-aaway habang nangingibang bayan.

Sa ngayon ay hindi pa naaaksyunan ang pangyayari. Hindi rin alam ng biktima ang buong pangalan ni Racquel dahil minsan lang niya ito nakasama sa trabaho at sa isang bahay.

Source: MJ Totoan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: